Chapter 394 - Fake Cally (2/2)

”Oh my goodness!” Halatang nabigla siya sa pagsulpot ni Cally. Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nito. Hindi man lang kasi nagbigay ng abiso si Cally sa kanya.

Nakatayo ito sa pinakasulok na kwarto katabi ng bintana. Nakahawi pa ang kurtina at nakatingin ito sa labas.

Nagrereflect sa mukha nito ang iba't-ibang kulay ng city lights mula sa labas. Nilingon siya nito.

”I'm sorry, Honey. Nabigla ba kita?” He asked indifferently.

Lalapitan niya na sana ito pero matapos ang dalawang hakbang, she stopped. Something was off about him that she wasn't sure of. Ang nasa harap niya ay siguradong mukha at ka-boses ni Cally, pero iba ang awra ng kasalukuyang Cally.

She picked up her phone na nasa ibabaw ng kama na para bang normal lang at pinilit na magpakalma.

”Hihingi lang ako ng gamot sa pharmacy. Sumakit kasi ang ulo ko. Dito ka na muna, okay?” Sabi niya dito na pilit ngumiti.

Tumango ito. Then, she opened the door.

No one was around on her floor outside. Nagsimula na siyang kabahan.

She turned her phone to 'Silent Mode'. Saka pinindot ang elevator. Sa gilid ng mata niya ay may mga napansin siya na mas nagpatibay ng kutob niya.

The person in her room is definitely not Cally! Who is that man?

'Think Prin, Think!'

Nakakuyom ang mga kamay niya na pumasok ng elevator.

Bumaba siya ng ground floor. Ilang lalaki ang nakakalat sa lobby na nakasuot ng damit na pang-nurse, doctor at kung ano pa but she knew that these people were not hospital staff. Sabay-sabay na lumingon sa elevator ang lahat na para bang alerto ang mga ito.

”Get her!” Sigaw ng isa.

Agad na pinindot ni Prin ang 'close button'. Gumilid siya at hindi nga siya nagkamali na pinaputukan ng ilang beses ang elevator. Ilang ulit niyang pinagpipindot iyon hanggang sa magsara.

Halos hindi siya makahinga. Matapos iyon hindi na nakapag-isip na pumindot ng kung anong floor.

Tumunog ang bell ng elevator tanda nang nakarating na siya sa destinasyon na palapag. Lumabas siya sa loob nito matapos na bumukas iyon. Agad siyang tumakbo at tinungo ang hagdan para magtungo sa floor ng garden area.

Habang tumatakbo, nagsisimula na rin na tawagan niya ang personal na numero ni Cally. Sa oras na ito ang tunay na Cally ang nais niyang makausap dahil sigurado na hindi tunay ang Cally na nasa kwarto niya.