Chapter 394 - Fake Cally (1/2)
May ilang minuto rin na nanatili si Bella at Angel sa kwarto. Marami silang napagkwentuhan dahil marami silang ibinalita sa isa't-isa.
Halos mapuno ng tawanan ang kwarto ni Prin.
Binalita rin ni Ginny na buntis si Sandra at kailangan itong iwan ni Lorenz sa Sweden dahil kailangan nitong bumalik sa UK para gabayan ang Dark Guards.
Hinarap ni Prin ang anak niya matapos makipag-kwentuhan. May ilang linggo rin niyang hindi nakita si Khalid.
Hinaplos niya ang buhok nito. Habang tumatagal mas lalong nagiging kamukha ni Khalid ang daddy nito, kakaunti lang ang nakuha nito sa kanya.
”You will be staying at Tita Bella's home tonight. Come back tomorrow, Okay?” Paliwanag niya dito. Si Ginny ay mas pinili na magpunta sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo dati para makipagkamustahan din sa isang Professor doon.
Halatang hindi nagustuhan ng anak niya ang nais niya. Bahagyang nalungkot si Khalid. He came all the way from UK. Normal na hindi niya magustuhan na kailangan na naman niya na mahiwalay kay Prin.
”Mommy, when are we going back home?”
Hindi rin alam ni Prin ang isasagot. Kung tutuusin gusto na nga rin niyang umuwi sa Pilipinas at magbalik sa trabaho. Madami siyang natambak na trabaho, idagdag pa na pati ang White Devil ay kailangan niya na rin simulan na aralin ang mga pasikot-sikot at kalakaran sa business ng Daddy niya.
”Next month.” Sabi niya kahit pa nga dalawang buwan pa dapat siya sa recuperating room na iyon.
”Kaya kailangan natin na magpakabait para payagan tayo ni Daddy.”
Tumango na lang si Khalid.
”I'll be back tomorrow. I love you, Mommy.” paalam nito. Hinalikan niya lang ito sa pisngi.
”I love you, Baby.”
Sumunod ito kay Bella at Angel na lumabas ng kwarto.
Naiwan si Prin na mag-isa na naman sa kwarto. Bumalot na naman ang pagkaboring niya ngayong nag-iisa siya sa loob ng kwarto na iyon.
Tumayo muna siya at tumingin sa labas ng clear na bintana. Kasalukuyan na umaambon sa siyudad ng Seoul, Korea. Matagal din niyang inaliw ang sarili. She thought kung nakauwi na ba si Bella, Khalid at Angel sa bahay ni Kai Jang.
Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at napapalitan iyon ng liwanag ng city lights.
Matapos ang mahabang sandali, pumasok siya sa shower para linisin ang katawan. May ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob saka siya nagpalit ng pajama para makapaghanda sa pagtulog.
Nang lumabas siya, hindi niya inaasahan na makita ang isang nilalang na nasa tabi ng bintana kung saan siya nakatayo kanina.