Chapter 395 - Gon Peter is here (1/2)
Tumatakbo si Prin pababa ng hagdan habang nakadikit sa tenga niya ang telepono.
Matapos ang ilang ring, narinig niya ang boses ni Cally sa kabilang linya.
”Miss me?” Masayang bungad nito.
”Husbie, where are you?” Bulong na tanong niya para hindi siya marinig.
Lumingon siya sa kaliwa at kanan ng pasilyo. Nang mapansin niya na clear ang area, tinakbo niya ang daan patungong garden. Nasa ika-apat na palapag ang garden at madali na lang siyang makakababa at makakatakas kung saka-sakali.
She'll find ways to escape in this building.
”I'm here at the airport, we have a news na narito daw si Gon Peter. He swindling people para magkapera at ang recent na biktima niya ay kamag-anak nila Kai.”
Natigilan at napalunok si Prin. Then, she thought that the person in her room must probably be Gon Peter. Pinilit niya na sabihin dito ang nagaganap kahit pa parang nahirapan siyang huminga.
”H-husbie, he-he is here. Hawak niya ang buong... building kung nasaan ako.” Hinihingal na pagkakasabi niya dito.
Natigilan din sa paglakad si Cally. ”What?!” Halos mabunggo si Mat-mat sa likod ni Cally.
”Please make... sure Bella and the kids are safe… Khalid was here this afternoon and I asked Bella to take care of him; and... Mommy Ginny. She went to meet… an old… friend. Th-they all came here before he showed up.” Tumataas at bumababa ang dibdib niya sa pinaghalong kaba at paghingal.
Hanggang sa wala na siyang marinig at naputol ang linya. ”Husbie? Husbie?”
Sinilip niya ang cellphone at nakita na walang signal ang cellphone niya.
”Shit!” Napamura na lang siya sa inis. Mukhang gumamit ng signal blocking ang grupo ni Gon para hindi siya makatawag.
Plano pa naman niyang sabihin na mukha ng asawa niya ang kasalukuyan na mukha ng kalaban.
Mabuti na lang at kahit papaano ay nakausap niya pa si Cally. Sinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng manipis na pajama. Napadaan siya sa nurse station at naghanap ng pwedeng magamit. Wala siyang armas na hawak at hindi niya alam kung ilan ang kalaban.
She open the fridge na lagyanan ng mga gamot at may nakita siyang limang syringe ng anesthesia.