Chapter 393 - I miss Mommy (1/2)

Masaya si Khalid na may maiuuwi siya sa bahay na maraming pera. He just wanted a crown pero hindi niya alam na may ibig sabihin ang simbolo ng bawat korona.

What he is looking forward to is the amount of the crowns.

Kung ano ang mga dahilan at estado ng korona ay hindi na niya iniintindi pa.

Why would he care about it if he is the young master of the Dark Lords?

”I will send them to you kapag natapos na.” sabi ni Prince Liam kay Khalid. Hindi magtatangka ang prinsipe na magsalita ng pangit sa harap ng reyna kahit pa gusto siyang tirisin nito.

”Why can't you just give me your crown?” nakakunot ang noo na tanong ni Khalid.

”It's my personal crown. It's my identity.”

Kumunot ang noo ni Khalid saka tumingin kay Ginny. Sinubukan naman nito na magpaliwanag.

”Crowns are special; they have their own identities.”

Bumilog ang bibig ni Khalid halatang nagulat. How come he doesn't know about that? Ang alam lang niya ay hindi biro ang halaga ng bawat crowns.

Pero naisip niya na hindi rin kasi siya mahilig magbasa ng mga tungkol sa mga buhay-buhay ng ibang tao. Mas madalas na tungkol sa mga halaman o hayop ang binabasa niya. Mas mahilig siya sa science.

”If that's the case, I will draw a design for you to follow. I want one for me, one for my Mommy and one for Billionaire. And the cost must not be less than a million.”

Ginny ”...”

Gustong magtaas ng kilay ni Ginny.

Pati si Billionaire na isang aso, may Crown? At iba din ha, kailangan hindi bababa sa isang milyon ang halaga bawat isa. Tatlong milyon agad ang halaga ng tatlong crown at mahigit pa.

”Hindi mo bibigyan si Daddy?” tanong niya.

Nag-isip si Khalid. ”I'm not sure if he'll like it.”

Sinabihan niya na lang si Liam na ipapadala niya dito ang tatlong disenyo. Matapos nilang magkasundo, dinala siya ni Ginny sa isang kwarto para linisin.

”Mommy Ginny, I miss my mommy” malungkot na sabi. Bigla niyang namiss ang mommy niya dahil parang laging may adventure kapag kasama niya si Prin.

”I will bring you to Korea next week don't worry.”

”Wow! Really?” nagliwanag ang mukha ni Khalid.

Ngumiti si Ginny at pinunasan ang maputik niyang pisngi.

”Yes, if you do behave for a week” request ni Ginny. Sumasakit masyado ang ulo niya sa batang ito na iilang linggo pa lang niya na inaalagaan.

”Ehh.. fine!”

Sumimangot si Khalid. Hindi niya maipapangako na magbe-behave siya sa loob ng isang linggo pero susubukin niya na magpakabait kung makikita naman niya ang Mommy niya

====

Samantala, nagbigay naman ng banta si Lorenz kay Prince Liam bago niya inalalayan na pumasok ang asawa niya sa loob ng tahanan ni Duchess Camila.