Chapter 297 - I want my Mommy (1/2)

”Is there anything you want for your birthday, baby?” Tanong ni Ginny kay Khalid habang nasa hapag sila para maghapunan.

Nakayuko lang kasi ang batang lalaki at halatang malungkot ito sa araw ng kaarawan nito.

Nakauwi na ang mga bisita nito ng hapon at nagkataon na inabot sila ng gabi dahil may pinuntahan pa silang meeting na mag-asawa. Idagdag pa na biglang umulan sa siyudad.

Inangat nito ang paningin kay Ginny at nagsusumamo ang mga mata.

”I want my Mommy” malungkot na sabi.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gawi ni Cally. Alam niya na ayaw ng anak na nagpupunta sa Prin's Garden, pero espesyal ang araw na iyon kay Khalid.

”Hindi kayo nagpunta sa Prin's Garden?”

”We went there pero hindi si Prin ang tinutukoy niya kung hindi 'yung babaeng nagdala ng cake.” Sagot ni Cally na nagpatuloy lang sa pagkain.

Nilingon niya tuloy ang paningin sa asul na cake na nasa isang bahagi ng mesa.

Bumaba ng silya si Khalid at tumungo sa lugar niya. Hinawakan nito ang suot niyang bestida saka sinalubong ang mga mata niya.

”Mommy Ginny, I want to see my Mommy everyday. That's what I want for my birthday”

Hinaplos na lang niya ang buhok nito. Para sa hiling nito, desidido si Khalid na magsalita ng mahaba at kumpleto, masunod lang ito.

”But I don't know where to find her”

Nilabas nito sa bulsa ang isang tarheta at inabot sa kanya ”Here. She works here”

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga nakasulat sa maliit na card. ”She works at Romantik Grand Hotel?!”

”Oh, if that's the case, it's easy. We can go to Apolo's hotel to meet her”

”You are not going” kontra ni Cloud.

Sumimangot siya at hinarap ang asawa ”Why not?”

”Dahil sabi ko.” Sagot nito.

”Why are you so petty? It's Khalid's birthday. I also want to see this girl. Malay mo maging mommy niya sa future si Miss...” binasa muli niya ang nakasulat na pangalan sa card ”...Yuna Hirose. Yuna?”

”Ginny Lopez, subukan mo lang na magpunta sa hotel ni Apolo at ipadadala kita sa Pacific Ocean”

Bumuntong-hininga si Cally. Alam niya ang ibig sabihin ng Daddy niya at hindi naman makahalata ang mommy niya sa nais ng asawa nito.

”Sige na Mom ako na lang ang magdadala kay Khalid. Umuwi na lang kayo ni Daddy dahil baka abutan pa kayo ng baha” Tumingin siya sa gawi ng anak. ”But you have to finish your meal”

Dali-dali ito na bumalik ito sa pwesto nito at mabilis na inubos ang pagkain. Napapatanong na lang sila kung gaano nito kagusto na makita si Yuna.

====