Chapter 297 - I want my Mommy (2/2)
Habang kausap ni Yuna ang mga kaibigan, isang sigaw ang nadinig niya mula sa entrada ng hotel.
”Mommy!!!”
Nilingon niya ang entrance at nanlaki ang mata nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa kanya hanggang sa yumakap ito sa binti niya.
”Mommy, I miss you” sabi nito.
Kapwa naman nakakunot ang noo ni Coffee at Mikey. ”You have a child?!” Sabay na tanong ng dalawa.
Nananatili naman na seryoso si David. Napakamot na lang sa ulo si Yuna at hindi alam ang isasagot. Ayaw niya kasing ipahiya si Khalid sa mga kasama.
Napalingon ang mga ito sa entrance at nakita na papalapit din si Cally sa gawi nila.
”Oh my goodness! U-uuna na kami! Bye bye!” Paalam ni Coffee saka mabilis na hinila si Mikey papalabas. Halos itago nito ang mukha mula sa bagong pasok.
”Si-sige, bukas na lang” bulong niya na hindi niya alam kung umabot sa pandinig ng dalaga.
Kinakabahan naman si Yuna na hinarap ang mag-ama. Pero nabigla siya na nananatili si David sa tabi. Sinesenyasan niya ito na umalis pero mukhang wala itong balak na sundin ang mga senyas niya. Pilit na ngumiti si Yuna.
Napansin niya na malalim ang tingin ni Cally sa mga kaibigan niya na umalis kaya napalunok siya.
”W-what are you guys doing here?” Tanong niya kay Cally para magbalik ang pokus nito sa kanya.
Hindi naman siya nabigo at nilingon siya nito.
”Mommy, I miss you.” Sabi ni Khalid na nakayakap sa mga binti niya. Nakatingala ang mala-anghel na mukha nito sa kanya. Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa sinabi nito.
”Yuna, are we going? Magdi-dinner pa tayo.” Biglang sabi ni David na nasa tabi. Malamig ang tingin na pinupukol nito kay Cally.
”Ahhh” nahati bigla ang atensyon niya sa tatlong lalaki.
”Mommy, hindi pa ako nagdi-dinner” sabi ni Khalid.
Kumunot ang noo ni Cally sa nadinig. Hindi niya akalain na magagawa ng anak na magsinungaling para lang makasama si Yuna.
Nalungkot naman si Yuna sa narinig. ”Aw! David, I'm sorry... I'll ask someone to send a meal to your room.”
Saglit na natahimik ang lalaki at nag-isip. ”No need. I'll go somewhere.” Ang sabi nito. Malalim ang tingin nito sa bata saka tinungo ang daan papalabas.
Mas lalo naman nailang si Yuna dahil naiwan siya doon. ”Ma-master Cally, what do you want to eat?”
”Sasamahan ka namin na kumain kung ano ang gusto mo” sagot nito.
Tumango na lang siya. Pagdating sa restaurant ay puno ang lahat ng table.
Nagkaproblema tuloy si Yuna kung saan sila kakain.