Chapter 296 - Something wrong with her brain in the past (1/2)
Sampung minuto bago mag-alas otso ng gabi, naghihintay na si Yuna sa lobby para kitain ang mga kaibigan niya. Maganda na sana ang gabi niya kung hindi lang sumulpot sa harapan niya si Mari na kasama si Felix.
Naka-angkla ang isang braso nito sa braso ni Felix na nakapamulsa.
”Hey sister Yuna, nakapag-dinner ka na ba? Sumabay ka na sa amin ni Felix”
Kunwari ay walang napansin si Yuna sa paligid at nagpatuloy sa pagbasa ng magazine.
”Ganyan ba kayo mag-welcome ng guest niyo dito?” halatang hindi nagustuhan ni Felix ang attitude niya.
Medyo napalakas ang boses nito dahilan para magsipaglingunan ang mga tao sa gawi nila.
Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkainis si Yuna sa dalawang nilalang na parang bangaw sa paligid niya.
Hinarap na lang niya ang dalawa kaysa lumala pa ang sitwasyon. Sa ugali na mayroon si Felix at Mari, hindi malayo na maka-istorbo sila ng iba pang guest.
At alam niya na hindi makabubuti sa sitwasyon niya at siya ang lalabas na masama kung sakali na mag-escalate ang sitwasyon kay Apolo.
”Oh, nand'yan pala kayo, Is there anything you need Master Felix? Nakapag-dinner na ba kayo?” pang-iinis niya.
He is gritting his teeth at nagpipigil. Lihim naman na umismid si Mari.
”Haay… Sobra-sobra na nanghihinayang talaga ako na hindi ko kayo makakasabay kumain ngayong gabi. I'm sorry brother-in-law and sister Mari, may kasabay na kasi ako na kakain ng dinner sa labas. so, I guess hindi ko kayo masasabayan.”
”Anyway, you can put the bill on my tab. My treat.” pang-iinis niya.
”Sister Yuna, we are just inviting you to dinner. It's been a long time na nakasama ka namin ni Felix. Please don't be mad at huwag mo kaming ipahiya” saad ni Mari.
Ngumiti si Yuna kahit ayaw niyang patulan ang pakikipagplastikan nito sa kanya.
Matalim ang mga tingin na pinupukol ni Felix sa kanya. Agad din naman na umismid ito.
”Walang problema, marami pa rin namang panahon para makasabay ka namin sa dinner. Mari and I are decided to stay here for two months”
Hindi maiwasan na manlaki ng mata ni Yuna sa nadinig. 'What??? Two months?!' ibig sabihin ay pagtyatyagaan niya ang mga bangaw na ito sa loob ng dalawang buwan?
”Mari is pregnant at pinagbawalan siya ng doktor na magbyahe muna. Magb-bedrest muna siya sa loob ng dalawang buwan dito sa hotel. Posible rin na baka dito na kami ikasal” paliwanag ng lalaki.
”Sinabi ko nga kay Felix na ayos lang ako, pero sobrang nag-aalala talaga siya sa akin kaya we decided to stay here in two months” mahinhin na sabi ni Mari pero alam ni Yuna na may laman ang mga sinabi nito.
Nasa isip siguro ng kapatid niya na magseselos siya at may plano ito na inisin siya sa loob ng dalawang buwan.