Chapter 210 - Willing to be my girlfriend (1/2)

”Tigil-tigilan mo ko Matty!” agad niyang binitaw ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Saka ito inirapan.

Napangiti naman ng lihim ang binata.

”But honestly, I really wanted to say sorry, Donna dear.” seryoso at nakangiti na sabi ni Mat-mat. Hindi sanay si Donna na biglang seryoso ang binata sa sasabihin nito.

”Why?”

”Because... I went abroad for a couple of days nang hindi man lang ako nakapagpaalam. Biglaan kasi iyon” paliwanag nito. Nabalitaan kasi nila na nasa Europe ang grupo ni Captain Yeo at ang bangkang 'Maria Celeste 1' kaya kinailangan niyang sumama kay Kai papunta sa ibang bansa.

Naging seryoso din si Donna. Ang totoo na-miss niya ang binata at hindi talaga siya nasanay na hindi ito naaabutan sa bahay matapos nitong magpaikot-ikot sa bahay nila ng halos buong buwan.

”And I came here because I really miss you. I wanted to thank you for letting me miss you” nakangiti na sabi ni Mat-mat. Namula naman ang pisngi ni Donna. That was sweet.

”I know you miss me too.” confident na sabi at nakangisi pa.

”Kaya nga Donna My dear, are you willing to be my girlfriend?” diretsahang tanong nito saka sabay na hinalikan ang kamay niya. .

”But…” tinitigan niya sa mata ang binata. Takot si Donna na magmahal muli ngunit handa naman siyang subukan. Ramdam din naman niya na Matthew is a good guy. Mayaman, Pogi, mabango at hindi babaero.

Ngunit may kinakatakutan si Donna. Isang bagay sa nakalipas niya ang pilit niyang itinanggi noon at kinakalimutan ngayon.

”I-I'm not a v.i.r.g.i.n anymore, Matty.” malungkot at nahihiya na sabi ni Donna.

”Hmm? So what?” Humiga muli sa kama ang binata at ginawang unan ang parehas na braso nito.

”Hindi rin naman ako v.i.r.g.i.n. Open-minded ako at hindi naman ako makikipag-relasyon sa'yo to simply have s.e.x with you. I grew up in New York at na-dev.i.r.g.i.nized ako at the age of thirteen. I did it a hundred times with different girls. I can't even remember how many.” nakakunot ang noo na paliwanag nito.

Natigilan naman siya sa mga sinabi nito. Nag-aalala lang pala siya sa wala.

”I know na isa talaga sa goal ko ang maka-siping ka, pero hindi naman iyon lang ang dahilan.” diretsahan na sabi nito.

Donna ”...”

”Come here.” tawag nito sa kanya.

Sumunod naman si Donna, dumapa siya at yumakap sa dibdib ng binata. ”I will ask you one more time. Are you willing to be my girlfriend?”

”Hmm… Sige. I am willing to be your girlfriend from now on. A-alagaan mo akong mabuti ha.”

”Wow! talaga?” masayang tanong nito.

Tumango siya habang may matipid at nahihiyang ngiti.

”Yehey! Pakiss na 'ko sa girlfriend ko.” sabi nito at agad na lang na sinakop ang labi niya. Ninamnam lang ng dalaga ang labi ni Mat-mat habang yakap siya nito ng mahigpit.