Chapter 209 - Ako ay may lobo (1/2)

Nabibigla talaga siya sa magulang niya na handa ang mga ito na ibugaw siya kay Mat-mat.

Sa mga nireto sa kanya ng mga ito, mas pursigido ang magulang niya na ireto siya sa binata. At hindi niya akalain na talagang tutuparin ng mga ito na maglive-in sila kahit na hindi pa talagang sila ng binata.

*****

Napapangiti si Donna habang nananaginip.

Nakasuot daw siya ng pulang cape at may bitbit na basket. Hindi pa siya nakakapunta sa destinasyon kung saan naroon ang may sakit niyang lola nang nakasalubong niya na daw ang big bad wolf. Yumakap siya agad sa wolf at pinangigilan.

Gumanti ang wolf kaya kinagat daw siya nito sa leeg. Saka nito kinagat-kagat ang labi niya. Masyado siyang nasiyahan kaya gumanti rin siya ng yakap at halik.

Halos mamaga na ang labi ni Donna bago niya nararamdaman na parang totoo ang halik na iyon.

”Uhmm…” napasinghap siya. Unti-unting nagmulat ang mata niya at agad na nanlaki iyon dahil totoo talaga na may tao sa kwarto at kayakap din niya ito.

”Ahh! Sino ka?” tanong niya sa kung sino man na lalaki ang nasa tabi.

”Are you sure na hindi mo ako kilala? It hurts” narinig niya ang boses ni Mat-mat.

”M-mat? W-wait, bakit ka nandito sa kwarto ko?” binuksan niya ang ilaw at natagpuan ang lalaki na nakatagilid at sinusuportahan ng isang braso nito ang ulo nito paharap sa kanya. Napaatras siya sa dulong bahagi ng kama.

”Hello, Donna My Love” bati nito.

”Why are you here?”

”Dito na 'ko pinatitira ng parents mo. Particular sa kwarto na ito” Nakangisi na sabi.

”...Kaya nga halika na! Kiss mo na ako ulit Baby” hinila siya nito.

”Wait laaang!” inipit niya ang ilong nito.

”Yan tayo e, ikaw d'yan ang nagkukusa na humalik kanina, ngayon ayaw na? Porque ba nilapirot mo ang buo kong katawan kanina?”

”Lapirutin mong mukha mo. Tulog ako okay?”

Ngumisi ito. ”At least laman ako ng panaginip mo.” tudyo nito.

Inikutan niya ito ng mata. Umupo si Donna sa kama at nag-indian sit.