Chapter 14 - He is Secretly Smiling (2/2)
”Pupugutan ko ng kamay ang sino man na gumawa ng katulad nito. Nagkakaintindihan ba tayo?!”
”Yes, Master!” sabay-sabay na sabi.
”Balik sa kampo! Magsanay na kayo dahil magsisimula ang opening ceremony sa susunod na linggo” pagkasabi ng nais ni Rob ay umalis na siya ng general hall.
Bigla naman nailang kay Cally ang lahat at ramdam niya iyon.
”Huwag kayong mahiya o mailang sa akin. I'm still a trainee.” sabi niya sa lahat.
=====
Opening Ceremony...
Matapos ang isang linggo nang maganap ang pagpapaalis kay Levan, magaganap ang seremonyas eksakto alas sais ng hapon.
Pagtapos ng pag-aalay para pasalamat sa panginoon ay isang masayang salu-salo para sa lahat ang magaganap.
Hindi sila pipigilan sa kung ano ang gusto nilang kainin at inumin. Literal na fiesta.
Ang apat na Leader ang magsisindi ng torch na matatagpuan sa bungad ng bawat kampo at manggagaling ang apoy mula sa malaking bonfire na matatagpuan sa gitnang bahagi o sa general hall.
Nago mag-alas-sais, magkasama si Prin at Cally sa computer room dahil nagpadala ng mensahe si Cally sa Mommy niya para ipaalam dito na tutuloy siya sa UK. He is just 18 and still needing his Mom's love after all.
He is missing his family pero bawal dumalaw ang pamilya kahit pa pwede naman siyang dalawin doon ng mga ito bilang malapit na kaibigan ng mga Matsui.
Tinuring ni Cally ang sarili na kabilang sa mga kasamang trainees at hindi pwede na paboran siya doon kaya mariin niyang sinabihan ang pamilya na huwag na huwag siyang dadalawin.
Alam niya rin na busy ang Mommy niya sa opisina nila sa MGM at pagtuturo sa klase.
[CallyHan: Mommy, I miss you so much. Can I see you before going to the UK?]
[GinnyLopez: Baby boy, I miss you too so much! pagagalitan ko talaga ang daddy mo kapag hindi ka umuwi dito sa bahay kahit tatlong araw lang. Please come home, okay?]
Napangiti si Cally.
”Wow! you are smiling!” hindi makapaniwala na bulalas ni Prin.
Agad naman na nakabawi si Cally at sumeryoso muli. Nahiya siya ng kaunti. Hindi kasi siya pala-ngiti. Literal na seryoso ang tingin sa kanya ng lahat.
Sinilip ni Prin ang monitor niya. Naisip niyang tudyuin ang lalaki dahil tinawag itong 'Baby boy' ng Tita Ginny niya.
”Wag kang mag-alala baby boy, your secret is safe with me.” sabi niya habang tinapik-tapik ito sa balikat.
Sumimangot lalo si Cally.