Chapter 15 - Drunk (1/2)
Eksakto alas-sais nakahanda na ang lahat para sa hudyat.
Magkakasama ang lahat sa labas ng general hall. Sa tapat ng bukana nito naroon ang bonfire.
Bilang hudyat, isang mini-gun na nakatutok sa kalangitan ang pinaputok ni Rob bilang pinuno ng committee. Gumuhit ang asul na liwanag mula sa mini-gun ang makikita hanggang sa marinig ang putok sa ere.
Matapos iyon ay kanya-kanyang sindi ng sulo ang lahat ng lider. Tumakbo ang mga ito patungo sa kani-kanilang camp area at saka sinindihan ang dalawa pang sulo na nasa bukana ng camp.
Isang fireworks ang sinindihan ng apat na lider bilang pagtatapos. Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat dahil oras na ng kasiyahan.
Inaabangan ni Prin kung ngingiti muli ang crush niya dahil masaya ang lahat. pero nanatiling seryoso ang lalaki.
'Hmp! Seryoso talaga ang mokong'
”Baby boy, hindi ka ba masaya?” tinawag niya itong baby boy dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ngimiti ito nang magkasama sila sa computer room.
Kabaligtaran sa inaasahan, hindi nagustuhan ni Cally ang pagtawag niya dito ng baby boy lalo at kasama nila ang halos lahat ng trainee.
”Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tinawag mo ulit akong ganyan.” pagsusungit ni Cally.
”Sungit…” bulong niya.
Nakanguso lang si Prin habang sumusunod dito. Dumeretso sila sa loob ng hall kung saan nakahanda ang napakaraming pagkain at alak.
Hindi lumayo si Prin kay Cally. Matapos kasi ang group battle alam niyang tutuloy ang lalaki papunta ng Maynila para kitain ang pamilya nito. At posible na ilang buwan pa bago niya makita muli ang lalaki.
”Cally, come here!” Tawag sa kanila ni Joen pagpasok nila ng hall. Nakapwesto ito malapit sa mga pagkain kasama ng iba pang grupo.
Nakita niya si Lorenz na nakahalubilo rin sa iba pang mga kasama nito.
Tumabi rin si Prin dito.
”Seriously, are you guys secretly dating?” tanong ni Ana na nakasalampak sa tapat niyang mesa.
Tinitigan niya ito ng masama. ”Hell no! I'm just fourteen.”
”Ehhh… you look good together. Anyway, okay lang naman dahil marami ang matutuwa.” komento nito.
Inikutan niya na lang ito ng mata.
May lumapit kay Cally mula sa ibang grupo. Inabutan nito ng maliit na shot ng alak si Cally. ”Shi, for you… tanda ng respeto…” sabi ni MB31
Alam na ng lahat ng trainees na ang ibig sabihin ng 'Shi' ay Master.
Tinanggap naman iyon ni Cally dahil wala naman itong masamang intensyon at agad na nilagok ang alak.
Napalingon si Joen. ”Shi… Ako din!”
Nagsalin din ito sa maliit na shot glass at inabot kay Cally. Kinuha din iyon ni Cally at ininom.
Hindi niya napapansin na marami ang lumapit sa kanya para magbigay ng respeto.
Pansin ni Prin na namumula na ang pisngi ni Cally dahil sa alak hindi pa man lumilipas ang oras simula ng umupo sila roon.
Sunud-sunod ang lagok nito ng alak mula sa kung kani-kanino. Wala kasi itong tinanggihan sa lahat ng trainees.
”Hey, kumain ka muna!” saway niya dito. Gusto niya nang pigilan ang binata sa pag-inom nito.