Chapter 14 - He is Secretly Smiling (1/2)

Mula kay Cally, lumipat ang tingin ng lahat ng trainees kay Levan.

”I… I..”

”... You can't just accused me… Ikaw, Ikaw ang pumapasok sa tirahan ng Matsui kaya ikaw ang kumuha! Huwag mong ibaling sa akin ang bintang!” nagalit ito.

Hinila ni Cally ng kaunti ang mahabang armas mula sa scabbard or sleeve nito.

”You knew because of this symbol, right?” tinuro ni Cally ang bilog na simbolo sa blade ng katana.

Tuluyan nang hindi nakabawi si Levan.

”Guard!” Senyas ni Rob.

Lumapit ang Matsui Guards na nakaitim kay Rob.

”Palabasin si MB16. Ito na ang huling araw ng pagsasanay niya!” galit na galit si Rob kay Levan.

Kung umamin lang sana ang lalaki ay baka parusahan niya lang ito. Pero nagmatigas si Levan at gumawa pa ng ikapapahamak ng kasamahan. Isang maling pag-uugali na dapat na wala nito ang Dark Guards.

He made sure at the very first day that everyone must protect their group. To protect their brothers and sisters. Kasabay ng pisikal na training ang disiplina sa sarili at sa kapwa.

”Master, bakit ako ang paalisin niyo at hindi si Cally?!” nagagalit si Levan. Napupuno ng galit ang dibdib niya. Naiinis siya kay Cally dahil ibinoto nito sa simula pa lang si Kai. Naiinis siya dito dahil natatalo siya nito sa match. At naiinis siya dito dahil masyado itong magaling.

Akala ni Levan ay mapapatalsik niya na si Cally sa training kapag nilagay niya ang napakahalagang katana sa ilalim ng kutson ng kama nito. Napupuno ng inggit at galit ang dibdib niya.

”Kailangan niyong ipaliwanag sa akin bakit ako ang kailangan na umalis!”

Tumayo si Rob ng galit na galit. ”Alam mo kung bakit? Because Cally will be your Master and he doesn't need to steal his own Katana!” dumgundong ang boses niya sa buong hall.

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagkatinginan pa ang mga ito.

”Huh, si Cally, Master?”

”Oo, tama. ganoon nga ang sabi ni Master Rob”

Nagkaroon ng kaunting ingay sa paligid dahil sa usapan ng mga trainees. Tanging si Lorenz at Prin lang ang hindi nagkomento dahil alam nila ang tungkol sa bagay na iyon.

”Tahimik!” sigaw ni Rob. Agad naman na nagbalik ang atensyon ng lahat sa pinuno nila.

”Sobrang laki ng awang ng posisyon ni Cally kahit sa akin. Ngayon, sabihin mo kung bakit hindi ikaw ang dapat kong paalisin?!” galit na sabi ni Rob kay Levan.

Hindi nakasagot si Levan. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon para siyang nawala sa sarili. Agad siyang hinila ng guard na nakaitim. Hindi ito mangingiming patayin siya kung sakaling mangungulit pa siya kay Cally.

”Ayoko nang mauulit pa ang ganito! Ayoko sa lahat ang maging tuso at mapanlinlang na Dark Guard!” matigas na sabi ni Rob sa lahat matapos mawala sa paningin niya si Levan.