Chapter 397 - Im afraid, Brother Khalid (1/2)
Mabulis na pinaharurot ni Bella ang sasakyan na halos lumipad na ang kaluluwa nila ni Angel.
”Tita Bella, your gas is too much!” nagagalit na sita ni Khalid.
Baka makaligtas nga sila sa mga sumusunod na sasakyan, hindi naman sila nakaligtas kay kamatayan.
Nagmenor naman si Bella kahit pa nga kinakabahan siya. Binigay niya ang buong atensyon sa kalsada. Inisip ni Bella ang dalawang bata sa likuran kaya nilakasan nito ang loob sa pagmamaneho.
Angel calls his Dad's personal phone.
She put it on speaker matapos sagutin ni Kai.
”Daddy, someone is following us.” bungad nito.
”Where are you guys?” katatanggap lang din nito ng mensahe ni Cally na hawak ng grupo ni Gon ang buong building kung saan nandoon si Prin.
”Babe, we are in Seongam-ro road. I.. I am driving!” sigaw ni Bella.
”I'm on my way! Don't be afraid.” sagot nito sa kabilang linya.
Naririnig nila ang tunog ng motor sa lugar nito kaya may ideya na si Khalid na nakasakay ito sa motor.
”Uncle Kai. Who are these guys?” tanong ni Khalid. Napansin niya na sumusunod pa rin ang dalawang sasakyan sa likuran.
”It's better for you to know nothing. Your Daddy came here, he was at the airport.” sagot ni Kai.
Natahimik si Khalid. Lumalim ang iniisip niya hanggang sa kapwa sila napunta ni Angel sa kaliwa dahil biglang lumiko si Bella.
”Gayang-daero na kami!” sigaw ni Bella.
”I am now on the same road. Where are you heading?” saad ni Khai.
”heading home” si Bella ang sumagot.
”heading south” sabad ni Khalid.
”Okay. Got it!”
Ilang saglit pa, binunggo sila ng sasakyan sa likuran. Nagyakapan sila ni Angel sa upuan sa sobrang takot. Napapapikit sila mula sa pressure kada magdidikit ang dalawang sasakyan.
Nasa kanan naman ang isa pang sasakyan at pinahihinto si Bella.
”Put more gas, Tita Bella” hiling ni Khalid para mas bumilis pa ang sasakyan.
Sinunod naman siya nito. Hinabol din sila ng parehas n sasakyan. Binunggo naman sila kanan.
”Oh! Oh!” mas kinakabahan pa si Bella kaysa sa dalawang bata dahil nasa kanya ang pressure ng pagmamaneho at determinado siya na maligtas sila sa oras na iyon.