Chapter 396 - Hatred (1/2)

Nakatingin si Gon sa labas ng bintana ng kwarto ni Prin Matsui. Nagpaalam sa kanya ang asawa ni Cally na hihingi ng gamot sa pharmacy.

He let her go outside so she could see the current situation of the building.

Ilang taon siyang naghintay na makaganti sa pamilya ni Cally at hindi niya inaasahan na muli na naman na darating ang araw na iyon ngayon.

It's been almost two decades.

Kulang-kulang dalawampung taon na ang nakaraan nang magsimula siyang paghigantihan ang pamilya ni Cally. Ilang beses siyang nabigo pero hangga't nabubuhay siya sa mundong ito, hindi niya ito titigilan.

Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

Sa loob ng tatlong taon nang huli silang magharap, parang binura nito ang apelyido niya. Siya na tanging natitira sa pamilya ng Peter ay parang sinira ang huling bilin ng Lolo niya na sa kanya mapupunta ang Dark Lords balang araw.

Paano niya pa pamumunuan ang Dark Lords kung tinapos ni Cally ang pangarap niya nang tuluyan nitong tanggalin ang Peter Family sa pitong pamilya na bumubuo sa Dark Lords.

Matapos iyon, Cally gave all of his assets to charities around the world. Daig pa niya ang mahirap na daga na walang masandalan dahil nawala ng parang bula ang yaman ng Peter Family.

Kaya habang tumatagal, mas nananaig sa puso niya ang paghihiganti.

Tatlong taon ang nakaraan, nakaligtas siya sa karagatan dahil may tracking device na nakakabit sa kanya kaya mabilis siyang natagpuan ng mga kasama.

Ilang oras siya sa dagat na palutang-lutang na halos ikamatay niya. Luckily, he escaped again from hell.

Laking tuwa niya pa nang mabalitaan na hindi nakaligtas si Prin Matsui sa barko ni Captain Yeo. All of his efforts are worth it. Seeing Cally struggling life without Prin Matsui is the best time of his life. Unfortunately, she came back again.

Kaya naman ngayon, his plan is to [email protected] his beautiful wife and kill her including their child.

Ilang minuto siyang nagmuni-muni sa tapat ng bintana bago niya naisip na lumabas ng kwarto. Isang lalaki ang sumalubong sa kanya na nakasuot ng nurse uniform.

”Master, all of the doctors, nurses and patients are already gathered in one room. Bantay-sarado na rin sila ng limang tauhan natin.” paliwanag nito habang naglalakad sila patungong elevator.

”Where is she?” tukoy niya kay Prin Matsui.

”Sa lobby siya huling nakita pero agad din na umakyat ng 6th floor. Sa ngayon, hinahanap siya ng mga tao sa CCTV kung saan siya nagpunta mula sa 6th floor.”

”Remember that Prin Matsui is not a simple girl. You should put more people to capture her.” paalala ni Gon sa lalaki bago tuluyan na sumakay sa loob ng elevator.

=====

Sa lugar ni Khalid...

Nakasakay ang tatlo sa isang taxi na napara nila sa tapat ng recuperating area kung saan nagpapahinga ang mga pasyente matapos ang surgery. Si Bella ay nasa tabi ng driver, si Khalid at Angel ay nakaupo sa likuran.

Pinaglalaruan ni Khalid ang isang syringe na nasa loob ng bulsa niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakuha niya ang bagay na iyon sa cabinet ng kwarto ni Prin. Isang 0.5 ml lang iyon na laki ng syringe na ginagamit for antibiotic and supplement in her skin.

Nag-iisip pa siya kung saan niya iyon gagamitin. Hindi pa naman gamit iyon at nakasupot pa nga.

”Brother, Khalid. I am going to start schooling next month.” pagyayabang ni Angel.