Chapter 357 - Mother and Babys Trouble (1) (1/2)

Sa loob ng ilang araw, nag-training si Prin kasama ang mga Dark Guards sa Kent Mansion.

Dahil ang Gray Guards ang nakabase sa lugar, sa shooting siya nagsanay. Kasabay niya si Khalid na nagsanay pati sa martial arts.

Hindi nakaligtas sa kanila na nagpunta ang nanay ni Sandra sa bansa na may magulong background.

Isang Princess ang nanay nito na nag-asawa ng isang commoner. Kaya pinawalang bisa ang estado nito sa buhay. Nagbalik ito sa pamilya. Ngunit kapalit ng pagbabalik nito ay kinailangan ng mama ni Sandra na pakasalan ang kung sino mang prinsipe na ireto dito ng pamilya.

Naguguluhan si Prin at tanging 'Goodluck!' na lang ang nasabi niya kay Shogun. Mas magulo pa kasi ang buhay ni Sandra sa kwento ng Dark Lords.

Ilang araw pa ang lumipas, natapos ang isang linggo na bakasyon nila.

”Baby, what is your plan for today?” tanong ni Prin kay Khalid habang pinapakain niya ito ng cereals isang umaga.

”This morning, I like to run outside. In the afternoon, I like to go to the ice cream house that we went to with your secretary” sabi nito.

Kumunot ang noo ni Prin nang maisip ang ice cream house ng mga fan girls. ”Are you sure?”

Tumango ito.

”I like their french fries and smoothie.” mabait na saad nito sa kanya.

Naisip ni Prin na makulay kasi ang tindahan na iyon at normal na magustuhan ng mga bata. There were shades of pink everywhere. May isang parte pa na pwedeng maglaro ng sudoku, crossword puzzle at kung ano pa na masayang laruin na hindi ginagamitan ng technology.

Kaya lang… Hindi niya makalimutan ang mga trip nito. Kakaiba pa ang paraan ng pagpaparusa nito sa kanila. At mas lalong kakaiba kung paano purihan ng mga ito ang asawa niya.

Hindi ba't parang ang weird na makiisa siya doon?

”Okay! after 30 minutes, we will run.” nakangiti niyang sabi.

Pansin ni Prin na mas matigas ang muscle ng anak niya ngayon kumpara noon dahil na rin kasabay niya ito na nag-eensayo.

”Baby, mas maganda na ang katawan mo ngayon” sabi niya habang pinipisil-pisil ang braso ni Khalid.

”Really? Then, I have to thank Mommy for taking good care of me” Nakangiti na sabi nito.

Tuwang-tuwa si Prin sa anak niya. She is proud of herself for having a son like Khalid. Super sweet at super cute.

At super yaman!

Hindi niya napigilan na halikan ito ng paulit-ulit sa mukha.

Naisip ni Prin na sa park na nasa malapit sila tumakbo ni Khalid. 10 minutes lang na drive mula sa white castle ang park na napili niya.

Matapos ang ilang laps ng pagtakbo, inaya niya si Khalid na magpahinga muna sa isang bench bago sila sumakay sa kotse pabalik.

Sinilip na muna niya ang cellphone na nakalagay sa belt bag at nakita ang mensahe mula kay Mildred. Pumapayag ito na samahan sila sa ice cream house ng grupo nito.