Chapter 356 - The Visitor (1/2)
Sa Kent Mansion.
Tatlong araw pa lang si Prin at Cally nang isang bisita ang hindi nila inaasahan na dadalaw doon, si Apolo.
Hinarap ni Ginny at Cloud Han si Apolo sa main hall ng Kent Mansion kung saan ginaganap din ang hatol o ang meeting ng mga elders ng Dark Lords. Isang malaking hall iyon. Sa gitna ay may makapal at mahabang mesa na gawa sa kahoy.
”Why did you come here?” malamig na tanong ni Ginny. She doesn't want to see Apolo at all. Nakaupo sila ni Cloud sa dulong bahagi ng mesa.
Si Apolo naman sa kabilang dulo.
Pinagbigyan na niya ang lalaki ng maraming beses. Matatanda na sila pero hindi pa rin nagbabago si Apolo. He was still cunning at makasarili.
”Nasabi na sa 'kin ni Felix that Yuna is here.” sagot ni Apolo na halos hindi makatingin sa mag-asawa.
Naniningkit ang mga mata ni Ginny.
”Sa ilang beses, sa ilang linggo na mga pagtawag ko sa 'yo ay halos ayaw mo akong harapin. Tapos, bigla ka na lang na susulpot dito?”
”I came here to see Yuna.”
”You already knew that she is not that real Yuna!” galit na natapik ni Ginny ang mesa.
Kumuyom ang kamay ni Apolo.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ginny na sinabi ang nais. She doesn't like bullshits at sa mga mabubulaklak na salita. Hangga't maaari gusto niya na sabihin agad ang nais para matapos na ang usapan.
”Apolo, why did you hide Prin? She is my family. Why did you hide her?”
Huminga ng malalim si Apolo saka nagsimulang magpaliwanag. Sa palagay niya, wala na siyang choice kung hindi ang sabihin ang totoo.
”Hindi ko rin ito alam nang una. Sunog ang mukha niya nang mailigtas namin siya mula sa dagat. Hindi ko pa alam nang una na hindi talaga siya ang anak ko. I groomed her. Tinuruan ko siya sa business. Luckily, I saw something in her. Hanggang sa magduda ako nang makita ko sa malapitan ang mga mata niya.” malungkot na saad ni Apolo.
”I knew it!” bulong ni Ginny.
Si Cloud naman ay naguguluhan pero tahimik na nakikinig sa laban ng asawa niya dito kay Apolo.
”Yuna has brown eyes na nakuha niya sa Mommy niya, while Prin has black” patuloy nito.
”Ginny, you know that there was no one in my family who is capable to handle my family's business. I don't have time… I have cancer.”
Nabigla si Ginny, si Cloud naman ay walang pakialam.
”I came here to personally see her. Still, I was able to save her three years ago. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait sa akin ang bagay na iyon” pakiusap ni Apolo.
”I'm here.” pumasok si Prin kasunod si Khalid na seryoso sa malaking hall.