Chapter 324 - You are dead! (1/2)
She ripped the poster into two.
Ang nakakatawa, sabay-sabay at nanlalaki ang mata ng mga fans ng asawa niya na napalingon sa kanya dahil nakarinig ang mga ito ng napunit na poster.
”Ahhh!!!” lumapit kay Prin ang isang babae ng nagagalit. Hinablot nito mula sa kamay niya ang poster na nahati sa dalawa.
”Sinira mo ang mukha ni Master Cally!!!” galit na sabi sa kanya ng isang fan girl at nagpapadyak.
Prin ”...”
”Alam mo ba na special edition ito? Sampu lang kami ang meron nito sa buong mundo!”
Prin ”...”
”Pfft!” hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi nito. 'Kahit 100 pa kayo, nasa akin ang pinaka-special edition at nag-iisang tunay, okay?'
May lumapit na isa pang babae. ”Oh my gosh, his charming nose! nawala na!” parang maiiyak na sabi.
”I can't see his dazzling eyes anymore” gatong ng isa pa.
”His kissable lips are no longer here, wala na akong mapapangarap na halikan”
Prin ”...”
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa babaeng fan girls ni Cally.
”Kailangan mong maparusahan!” Sabi ng isa. sumenyas ito sa mga kasama. Mabilis na hinawakan siya ng apat na babae sa braso at kamay. Dalawa sa binti.
Dahil harmless naman at inaabangan niya ang gagawin ng mga ito, hinayaan niya na lang kung ano ang sunod na gagawin nito o parusa sa kanya.
Naglalaro sa bente hanggang twenty five ang mga babae doon. At dahil mukhang bente dos lang si Prin dahil sa retoke niya sa mukha, madali siyang nakahalo sa grupo.
Saka sa paniniwala niya, wala doon ang tunay niyang kalaban kung hindi ang Millie Brown na binanggit nito kanina. When she learned about the girl before, wala siyang ginawang effort na alamin pa kung ano ang hitsura ng babae dahil balewala naman ito sa kanya.
Why does she make an effort sa taong baleala naman. When he said na hindi niya pa nakikita ang babae, she trusted him wholeheartedly at parang pinadaan lang ang isyu sa tenga niya.
But this day is different. Her husband needs to explain!
What the hell about those flowers? E, siya nga ay wala pang natanggap kahit isang bulaklak sa loob ng mahabang panahon!
Lumapit si Khalid sa puwesto nila sa bungad. He expanded his arms to protect his Mommy from these girls. Humarap ito sa mga babae.
”Hey! Don't touch my Mommy!” singhal nito sa mga babae
”Baby, don't worry, they are harmless.” sabi niya sa anak. Ayaw naman niya na mapahamak ang anak niya mula sa mga babae.
”He is your Kid?” naniningkit ang mata na tanong muli ng isa. Nakasuot ito ng makulay at magandang bestida. Her skirt is flowy at naka pigtails ang buhok sa magkabilaan na mukhang fan ng Kpop idol.