Chapter 323 - Callys Fans (1/2)
Kinabukasan, pinagbawalan pa rin si Prin at Khalid ng asawa niya na magpunta sa hotel. Grounded sila ng anak niya.
Mukhang plano pa yata ng asawa niya na pauwiin muna sa Singapore si David bago siya nito payagan na makapunta sa hotel.
Sinabi na lang niya kay David na busy siya sa araw na iyon. Nakakahiya man ay sinabi pa rin niya dito na hindi na niya kailangan ang secret camera dahil nakagawa na siya ng paraan.
Nang nagdaang gabi ay sinamahan siya ni Cally na magpunta sa hotel para ayusin ang opisina niya. And they put an alarm kung sakali man na may maglalakas ng loob na pumasok doon.
Sa umaga ay nag-jogging silang dalawa ni Khalid. It was Khalid's first time to jog and it was also been three years nang huli niya iyong gawin, kaya naman kapwa sila nito na mabilis na napagod.
Sa maghapon ay magkasama lang sila ni Khalid sa bahay, nanonood lang ito ng kung anu-ano sa tablet nito habang siya ay nagbabasa ng libro tungkol sa business.
Nakausap niya si Apolo sa telepono at nasabi na rin sa kanya na magpunta sa engagement party ni Felix at Mari. Inalam nito kung ano ang nararamdaman niya kay Felix, and she said 'nothing'.
Mabuti na nga lang at hindi siya pumayag na makipagtalik dito noon, dahil kung hindi, she was dead for sure! Nalaman nga lang ng asawa niya na nakatanggap siya ng regalo mula kay David ay sobra na ang pagseselos nito.
Paano pa kung palaman nito na hinawakan siya kahit sa kamay lang ni Felix? She was really dead!
=====
”Mommy, you have a date with your Secretary today.” paalala nito sa kanya nang sumapit ang hapon. Pati ang bagay na iyon ay alam nito?
Tama ang hinala niya na marunong ito makiramdam at alam nito ang nangyayari sa paligid.
Pinag-iisipan niya pa kung isasama si Khalid sa lugar since Ice cream House naman iyon. Iyon nga lang, ayaw niyang mapahamak ang anak sa kamay ng mga fan girls.
”Gusto mong sumama sa akin?”
Nagliwanag ang mata nito. Napangiti siya. Tulad ng inaasahan, gusto talaga nito na sumama at ayaw na malayo sa kanya.
”I told Daddy that I will protect you from bad guys” katwiran nito. Natawa siya sa katwiran nito, idinamay pa talaga ang asawa niya.
”Alright, you can come. But don't tell them that you are Master Cally's son okay?” paalala niya.
Tumango lang ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. ”I am Mommy's son.”
Natawa siya sa sinagot nito.
Bigla niyang naisip, kung sakali na maghihiwalay sila ni Cally, siguradong hindi na ito mag-aatubili na sasama sa kanya. Wala naman siyang plano na makipaghiwalay kay Cally, iyon nga lang naaaliw siya sa anak niya.
”Baby, kung maghihiwalay kami ng Daddy mo, Kanino ka sasama?” she was curious kaya tinanong niya ito.
”Kay DADDY” mabilis na sagot nito.