Chapter 304 - Like a wife (1/2)
Mabilis na nagtungo si Yuna sa airport para makahanap ng ticket kung saan mabilis siyang makakabalik sa Maynila.
Pero mas nabigla siya na may personal siyang sundo sa airport mula kay Cally.
Tatlong lalaki na parang miyembro ng men-in-black ang nag-escort sa kanya papuntang papuntang private plane kung saan naghihintay ang 'Master of all Masters'.
Natagpuan niya si Cally na nakaupo sa isang kompartableng couch na nasa loob. Nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang may dinadanas na malaking problema. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa katauhan nito ang malakas na appeal na susukuan ng kababaihan.
”Ehem!”
Pinilit ni Yuna na pakalmahin ang sarili baka kasi manghingi siya ng autograph sa lalaki. Nilapitan niya ito..
”Anong nangyari? ” tanong niya.
”Khalid is at the hospital now. Hindi siya kumakain simula pa kahapon”
”What?! Y-you…” dinuro ni Yuna si Cally.
”What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo? Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap magluto ang cook niyo!” nagagalit at sunud-sunod ang reklamo niya dito habang pinameywangan pa ang lalaki.
Cally ”....”
Para siyang sinapian ng misis na nagagalit sa asawa nito. Wala namang emosyon na binigay sa kanya ang lalaki at nagpatuloy sa pananahimik.
Matapos niya itong pagalitan, parang nakabalik naman sa reality si Yuna. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob niya na pagalitan ang 'Master of all Masters'.
Natatakot na ba siyang mabuhay?
Gusto ba niyang ihagis siya nito sa dagat at ipakain sa pating?
Umupo na lang si Yuna sa couch na nasa kabilang isle. Wala naman siyang narinig pa sa lalaki at mas pinili na lang nito na matulog. Hindi naman na ninais pa ni Yuna na istobuhin pa si Cally dahil mukhang ilang araw na itong walang pahinga.
Mas pinili na lang niya na magpahinga din dahil mahaba-haba rin ang byahe nila. Halos hindi nga niya namalayan na nakatulog siya ng limang oras at ginising na lang siya nito nang maka-landing ang eroplano. Pagdating ng Maynila, lumipat lang sila ng helicopter para mas mabilis silang makakarating sa ospital na pag-aari ng mga Hans.
Pagdating sa ospital, dinala siya ni Cally sa isang kwarto at natagpuan niya si Khalid na nakahiga sa isang kama. Ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang galos ng bata sa binti.
Naniningkit ang mga mata na hinarap niya si Cally.
”What did you do, Cally?” naiinis na tanong niya sa lalaki. Habang tumatagal ay mas tumatapang na ang apog niya na pagalitan ang lalaki.