Chapter 295 - Visitors (1/2)

”Coffee!” nagliwanag ang mukha ni Yuna nang makita ang dalaga na kasama si Mikey at David.

May bitbit na tig-iisang luggage ang tatlo. Malapad ang pagkakangiti ni Mikey at Coffee, samantalang malalim ang tingin sa kanya ni David.

Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang dalaga saka mahigpit na niyakap. ”What are you guys doing here?”

”Haay naku ang driver niyo ha, ang tagal dumating sa airport” sa halip ay reklamo nito.

Sa hula ni Yuna, ang tatlo ang sinundo ng chauffeur na kasama niya kanina.

”Ha ha, sorry. Ako ang rason kung bakit na-late si Mang Tonyo kanina. Medyo natagalan kami sa paghatid ng cake”

”Infairness sa iyo ateng. Para kang v.i.r.g.i.n sa ayos mo. dalagang-dalaga o'. Mabuti pa, ihatid mo na kami sa suite. Mamaya na tayo mag-kwentuhan” sabi sa kanya ni Coffee at inabot sa kanya ang bagahe na dala nito para siya ang maghila n'on.

Confidential ang pag-uusapan nila at hindi pwedeng pag-usapan sa lobby o sa kung saan lang basta na parte ng hotel.

Sa presidential suite ang na-book na kwarto ng mga ito kung saan may tatlong rin na kwarto, kusina at sala na nasa pinakamataas na palapag ng hotel na iyon. Nasa ibabang bahagi lang ng suite na iyon ang tinutuluyan niya.

Habang nasa elevator, pinagmasdan ni Yuna ang anyo nilang apat sa salamin. Mapapaisip talaga at mapapatanong ang ibang tao kung paano silang nagsama-sama.

Isang french na babae si Coffee. Bente syete anyos, maganda at s.e.xy. Blonde at lagpas-balikat ang buhok nito. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada. Kung wala lang itong tattoo sa braso, pwedeng-pwede na isali sa beauty contest. Hapit na hapit ang suot nito sa oras na iyon kaya mas kita ang hubog ng katawan nito.

Computer technician ang babae sa umaga, bampira sa gabi dahil mapaghanap ito ng literal ng biktima nitong lalaki.

Si Mikey naman ay Mexican - American. Kwarenta anyos. Isang kilalang surgeon. He has blonde hair, six feet and two inches height. Maganda ang pangangatawan. May itim na square frame na salamin sa mata ang lalaki na nababagay sa berdeng mata nito. His everyday attire is business suit, bibihira lang na mag-polo ng simple ang doktor.

Workaholic sa umaga, Otaku sa gabi kaya nga hanggang sa mga panahon na iyon ay binata pa ito.

Si David naman ay isang Singaporean. Trenta anyos. Matangkad din ang lalaki na hindi nalalayo kay Mikey. Maganda ang pangangatawan dahil na rin sa activities nito sa araw-araw. Itim at bagsak ang buhok nito na sakto lang ang haba para sa mga kalalakihan.

Isang tagapagmana ng business tycoon si David pero mas pinili nito na maging international spy.

”Okay, ang totoo, namimiss ka lang ni David kaya kami narito.” tudyo ni Coffee habang binubuksan ang pintuan ng suite ng mga ito. Nilabas nito ang card at itinapat sa sensor. Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng malaking kwarto.

Alam ni Yuna na may pagtingin sa kanya ang kasamang si David na pinilit niya na huwag pansinin. ”Ewan ko sa 'yo!”

Nang makapasok sa loob, inikot agad ni Coffee ang buong suite. Tumungo si Mikey sa wine bar at nagsalin ng alak sa isang kopita.

Tinungo naman ni David ang lugar kung saan naroon ang malinaw na glass window at hinawi ang isang bahagi ng kurtina para pagmasdan ang buong siyudad. Kasalukuyan na alas singko na ng hapon kaya bahagya nang kulay orange ang paligid sa labas.

Bahagyang kumalat ang liwanag sa kwarto nila na nagmumula sa liwanag ng papalubog na araw..

Umupo naman si Yuna sa malapad na couch na nasa visitor's area ng suite.