Chapter 192 - The video (1/2)
Nang mapansin ni Kai na pumasok si Bella ng restroom, sinabi niya ang pakay niya. Ayaw naman niya na masaktan si Bella sa pag-alala kay Prin tapos ay fake news lang pala.
”This is not about me, okay? This is about Prin. Bella saw her last night” paliwanag niya dito.
Hinablot ni Lorenz ang telepono mula sa kamay ni Mat-mat nang marinig niya ang sinabi ni Kai.
”Come here! Nandito kami sa restaurant. Much better kung iwan mo muna si Bella.” payo ni Lorenz.
Nagtataka man, sinunod ni Kai ang inutos ng Shogun sa kanya at umakyat nga siya sa floor kung nasaan ang restaurant nang kasama si Bella. Pinakain niya ang asawa sa isang table at nanghingi siya ng pasensya dito dahil hindi niya ito masasamahan.
”My Angel, as you can see, this matter is important. I'll be back, okay. I'll promise na magbabakasyon tayo at lalayuan natin sila sa susunod.” saka niya ito hinalikan sa pisngi.
Tumango lang si Bella, ang totoo mas gusto nga niya na mag-stay sa cabin dahil masakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Namula ang pisngi nito nang maalala ang mga naganap sa kanila ni Kai.
Dumeretso naman si Kai sa mesa kung saan naroon ang dalawa. Nakapwesto ito sa pinakasulok ng restaurant at tila seryoso ang pinag-uusapan.
Hinarap siya ni Lorenz at Mat-mat.
Ngising-ngisi si Mat-mat kay Kai na akala mo ay may alam ito na hindi niya alam. Pero base sa pagkakangiti nito, alam niya na tungkol iyon sa kanyang first night.
Gustong-gusto niya ng ingud-ngud ang pagmumukha nito na ang kulay naman ng mata ngayon ay green. Malabo na kasi ang mata nito dahil sa tatlong malalaki na monitor na gamit sa bahay kaya naka-contact lense palagi.
Hinarap naman siya ni Lorenz.
”First of all, it's true. Prin is alive. But you have to keep this a secret kahit kay Bella.” bulong ng shogun.
”...Kahit kay Shi” malungkot na sabi. Sa ilang taon na nagsama sila ni Cally, ngayon pa lang siya maglilihim.
”Come here!” magkakatabi nilang pinanood ang CCTV sa cruise ship na iyon kung saan nakita si Prin gamit ang high-tech na laptop ng manyak na si Mat-mat.
Nakuha ni Lorenz ang description kay Cassandra kung ano ang anyo ni Prin. At tanging si Prin lang ang nakasuot ng dilaw na gown kaya mabilis nilang na-identify ang babae kahit may maskara.
”this is her mask.” bulong ni Kai.