Chapter 191 - Finding the girl (1/2)

Nang magmulat ng mata si Cally, unang hinanap ng mga mata niya ang mukha ni Prin na tumatak sa isipan niya nang nagdaang gabi. Nilapat niya ang buong likuran sa kama.

Nasapo niya ang kumikirot na sentido. Saka parang wala sa sarili na tumitig sa kisame. Isa-isang pumapasok sa isipan niya ang mga imahe na naganap.

Prin in a yellow dress, she said she missed him so much... She is crying...

He begged her to come back...

Tumayo si Cally at tumuloy sa restroom para maghilamos.

Paglabas ay pumukaw sa kanya ang maskara na nasa ibabaw ng cabinet. Dinampot niya iyon. Natatandaan niya na pagmamay-ari iyon ng babaeng nakasayaw niya nang nagdaang araw.

'Damn!'

Lumabas siya para katukin sa katabing kwarto si Lorenz bitbit ang maskara. Walang tao sa loob kaya naisip niyang si Kai ang sunod na hanapin. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ng mga ito.

Nagbukas ang cabin suite nito at bumungad si Kai na nakaroba at naghihikab. Doon niya lang naalala na nasa honeymoon stage nga pala ito at ang bagong kasal na si Bella.

”I'm sorry kung naistorbo kita. I forgot na nasa honeymoon ka nga pala.”

Kumunot ang noo ni Kai. ”May kailangan ka ba Shi?”

”Yes. Can you ask someone kung sino ang may-ari nitong maskara?”

”Hi Cally!” nilitaw ni Bella ang ulo niya sa gilid ng katawan ni Kai. Nakaroba din tulad ng asawa nito.

”I'm sorry Bella, kung naistorbo ko kayong dalawa.” seryoso ang mukha na sabi niya. Sa loob ng ilang taon nakalimutan niya na yata ang ngumiti.

Lumipat ang tingin ni Bella sa hawak niyang maskara at kumunot ang noo nito. ”hmmm... I saw it from the girl last night”

”Y-you saw her?”

”Yes. she said she was a dark guard”

Napapikit si Cally at lalong sumakit ang ulo niya.

”Bakit Shi?” napansin ni Kai na lalong sumama kasi ang mukha ni Cally.

”Kai, I know that you are in a honeymoon, but can you look this girl for me bilang leader ng Black Guards?”

”M-may ginawa ba sayo ang Dark guard na 'to?” hindi naiwasan na itanong ni Kai.

”Yes, I... I had a one-night-stand with this girl”

Kai and Bella ”...”