Chapter 88 - Fall in love (1/2)

Nang umalis si Bella sa tabi ni Kai, may nagpa-cute agad sa binata.

”Kuya, may kasama ka?” tanong ni ate girl.

Hindi niya ito pinansin dahil obvious naman na hindi siya manunuod ng sine ng mag-isa. Tingin niya dito ay nagtatanga-tangahan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya ito umalis sa harapan niya.

Nabigla si Kai nang tumunog ang cellphone ni Bella. May tumatawag sa babae. Kumunot ang noo niya na makita ang pangalan ng caller --si Ken.

'Hindi ba ito yung Ken na kaibigan ng maliit na babae?'

Naalala niya pa ang ngitian ng dalawa sa loob ng sasakyan nang umaga ng araw na iyon. Sinagot niya ang tawag.

”Yes?”

Halatang nagulat ang kausap niya sa kabilang linya. ”Sino ito? Nasaan si Bella?”

”Boyfriend niya. Bumibili siya ng popcorn dahil manunuod kami ng sine” halata ang pang-iingit sa boses niya.

”Oh? Kung gan'on enjoy kayong dalawa. Malamig sa loob ng sinehan kaya dapat naka-ready ang braso mo para yakapin siya. Naka-ready na rin ang panyo mo dahil sigurado na iiyak iyon sa loob. saka--.”

”Alam ko ang gagawin ko kasi ako nga ng boyfriend di ba? Bye!” sabi niya saka binaba ang tawag. Nakaramdam siya ng inis dahil kailangan pa siyang turuan ng kung sino man na kihote na ito.

Matapos makuha ang ticket, sinilip niya si Bella na naka-pila sa bilihan ng snacks. Binuksan niya ang cellphone nito gamit ang password na 1234. Bumungad sa kanya ang magandang selfie ng babae sa wallpaper. Aminado naman siya na maganda talaga ang babae.

Ang ginawa ni Kai, nag-selfie din gamit ang cellphone ni Bella.

”Anong ginagawa mo?” nilingon niya ang nagtatanong na si Bella, tapos na palang bumili ng pagkain nila ang babae.

”Obviously, I am doing a selfie” tila wala siyang paki-alam kahit pa si Bella ang may-ari ng cellphone.

”Why? Sa huling pagkakatanda ko ako ang may-ari ng cellphone na iyan” mataray na sabi pero hindi man lang naapektuhan si Kai.

”Because you are going to post it on your social media na nanonood tayo ng sine.”

Natahimik si Bella dahil natural na maganda ang ideya ng binata. Kung magkasama pa silang dalawa sa picture mas kapani-paniwala. Mukhang narinig din nito ang iniisip niya.

”Come here. Mas kapani-paniwala kung dalawa tayo.” sabi nito. wala na siyang nagawa dahil inakbayan na siya nito at idinikit ang mukha sa kanya.

”Say cheese!”

Sa bigla ni Bella, napalingon siya sa mukha ng lalaki saka niya nadinig ang shutter ng cellphone.