Chapter 87 - Boyfriend Material (1/2)

Matapos ang klase binalik ni Bella ang notebook ni Kai. ”Eto na ang notes mo. Wala ka namang ginawa kung hindi ang matulog sa klase, tapos ako taga-sulat?”

”Hindi ako basta nakapikit lang. Ninanamnam ko ang sinasabi ng instructor natin. That's how I learned things. I feel the lessons through his voice.”

Bella ”....”

Maghapon niyang pinakiramdaman ang binata at alam niyang natutulog lang ito, tapos sasabihin sa kanya ninanamnam yung lesson? Edi sana lahat ng estudyante tulad ni Kai di ba? Sana all!

Inikutan niya ito ng mata saka nagbrowse sa cellphone. Bigla niyang nakita na showing na yung palabas na 'The Story of Me and You'

”Ahhhh!!!!” tili niya. Paborito niya kasi ang aktres na si Megan Da at aktor na si James Red.

”Hey anong nangyari sa 'yo” nabigla si Prin sa pagtili niya.

”Samahan mo ako manood ng sine! My friend! Showing na! Showing na yung palabas ni James Red na The Story of Me and You!” halatang fan ito ng kung sino man na artista na iyon.

Gusto sanang sumama ni Prin kaya lang nasa bahay pa ang kambal at nangako siya sa mga ito na tuturuan niya ang dalawa ng karate.

Bigla niyang nakita si Kai na seryosong nakatitig sa excited na si Bella.

”My friend, hindi ako pwede eh may plano na kasi ako ngayong hapon. Si Leader MB5 na lang ang sasama.” mungkahi ni Prin.

Biglang natigil si Bella sa sayang nararamdaman at napalingon kay Kai na walang makitang emosyon.

”Tutal boyfriend mo naman iyan di ba? Sakto at mag-date kayong dalawa.” nakangising sabi ni Prin.

”Alam mong hindi totoo iyon, 'di ba?” bulong ni Bella kay Prin dahil may mga estudyante pa sa loob ng kwarto.

”Okay lang iyan. MB5! Pinapasa ko ang obligasyon mo ngayong hapon kay Bella.” tinapik pa niya ng dalawang beses sa balikat si Kai na biglang sumimangot.

”Ayokong mag-alaga ng fan girl!” reklamo nito.

Pinukulan ito ni Bella ng matalim na tingin. ”Okay lang! Huwag na Prin. Itetext ko na lang yung kaibigan kong si Ken” sabi niya saka nagsimulang magtype sa cellphone.

Inagaw agad iyon ni Kai.

”Matagal na akong hindi nanonood ng sine. Simula ng magpunta ako ng Japan, hindi na ako nakakanood ng sine. Kaya huwag mong isipin na gusto kong sumama sa iyo. Isa pa ikaw ang sasagot ng ticket dahil gusto mong manood ng pelikula ni James Bond at saka gusto mo akong isama na manood.” mahabang litanya nito.

Prin ”....”

Bella ”....”