Chapter 70 - Remember this Girl (1/2)

Kinuha ni Prin ang Cellphone niya at binasa ang forum sa school. Karamihan ay kung anu-anong mga panget ang sinasabi tungkol sa kanya.

Hindi naman niya pinansin ang mga ito dahil naniniwala siya na lalabas din ang totoo.

Sa halip nagsimula siyang magtipa sa keyboard.

[PrinMatsui: Binali ko ang mga buto ng daliri niya sa kamay. So what?!] then, she posted it in her own profile.

May mga nag-react kaagad at kung anu-ano muli ang reply sa kanya hindi pa man lumilipas ang dalawang minuto. Puro masasama ang mga sinasabi sa kanya at karamihan sa mga ito ay puro fans ni Sean.

[Gosh! you are so bold! Get out in our school!]

[Hindi na kami magtataka kung sa susunod ay estudyante na ang saktan mo]

[He is one of the best teachers, samantalang ikaw? Hmp! Good luck!]

Noon niya lang nakikilala ang tunay na mga ugali ng mga estudyante sa school, pati ang mga kaklase niya mismo ay nagagalit sa kanya nang hindi man lang inalam ang sinimulan ng pangyayari at katotohanan.

'idiots!'

Balewala naman kay Prin ang opinyon ng mga ito.

”Mamaya ka na mangulit diyan sa cellphone mo. Kumain ka muna” sabi ni Cally na nasa tapat na mesa.

Binaba niya ang cellphone sa gilid at sinimulan niyang kausapin si Cally dahil wala siyang gana.

”Anong plano mong gawin kay Mr. Torres?” usisa niya kay Cally.

”Nasabi na sa akin ni Xander na 15 students ang mga namolesya at napilit ng manyak na 'yon na makipagtalik sa kanya. Most of them are minors. Iba pa yung mga umayaw sa kanya. Sa ngayon, masarap siyang natutulog sa bahay.” Tumalim na naman ang tingin nito ng mapag-usapan si Mr Torres.

”I am gathering evidence kaya may mga kasama kang iba pa na magrereklamo sa kanya. Hindi pa man nagsisimula ang Mr Torres na iyon na balikan ka, mauunahan mo na siya.” sabi nito.

Tumango si Prin.

”Salamat kahit na naiinis ako. Dinamihan ko dapat yung binali ko sa mga daliri niya!” matigas na sabi niya.

”Don't worry! Just sit and relax tonight. All you have to do is to be sure making me happy”

Inirapan niya ito.

”Tomorrow morning, sigurado na nakaganti ka na sa kanya.” makahulugan na sabi nito.

May pagtataka sa mukha ni Prin na tumingin kay Cally. ”What did you do?”

”We are using his wife. Binigyan ni Xander ng ebidensya si Mrs Torres.”

Kumunot ang noo ni Prin. ”I don't understand”

Huminga ng malalim si Cally at napailing ”Hindi na bago na hindi mo naiintindihan, mas magugulat ako kung bigla mong na-gets”

Mabilis na binato ni Prin ng mansanas ang asawa niya. Sinalo naman ni Cally agad. ”See? even my reflex is faster than yours.”

Inikutan niya na lang ito ng mata. Ilang saglit lang, lumapit sa kanya si Cally.

”W-what is it?” tanong niya.