Chapter 69 - Returning Favor (1/2)
Nagmadali agad si Cally patungong school ni Prin nang mabalitaan niya mula kay Xander ang nangyari dito. Nitong mga huling araw ay napag-alaman niya na laging laman si Prin ng online forum sa school website nito kaya pinababantayan niya ang forum na iyon.
Nagsimula ang lahat nang makita niya ang posted forum ng tahasang panliligaw ni Sean sa asawa niya na siyang pina-block niya sa pinsan na si Mat-mat na nasa Amerika sa kasalukuyan.
Hindi mapalagay si Cally lalo na nang mabasa niya ang mga komento sa forum na iyon. They are cursing his wife. Gusto niyang ipasara bigla ang online site ng school.
Ngayon, wala siyang ideya sa nangyari na lalong nakadagdag sa tensyon niya. Hindi siya mapakali habang daan kaya kahit si Assistant Xander na nagmamaneho ay tahimik at halos bilisan na ang pagmamaneho mapuntahan lang nila si Prin.
Kapag ganoon si Cally, mas nakakatakot ito kumpara sa mga awra nito na nagpapakita ng disgusto.
Tinatawagan ni Cally si Prin pero hindi ito sumasagot sa kabilang linya. He called his Mom too, pero hindi rin ito sumasagot.
Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng school ni Prin, mas dumoble ang tensyon ni Cally at hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa loob, kaya si Xander ang pinapasok niya sa loob ng gusali para alamin sa Dean kung ano ang nangyari.
Naghintay siya sa tapat ng sasakyan. Ilang saglit lang, nakita niyang lumabas si Prin at ang Mommy niya.
Tila lumundag ang puso ni Prin nang makita si Cally na nakasandal sa sasakyan nito. Siguradong pinuntahan siya doon ng asawa niya dahil nabalitaan nito ang nangyari sa kanya. That small gesture really matters to her.
Tinakbo niya agad ang asawa kahit pa ilang metro ang layo niya dito. Agad siyang yumakap sa leeg ni Cally, tumingkayad at hinalikan ito sa labi.
She doesn't care about the world nang mga oras na iyon. Wala siyang pakialam kahit pa nasa paligid ang Mommy Ginny niya o kahit may mga estudyante na nakatingin pa sa kanila sa mga oras na iyon. What she needed that moment is Cally's embrace.
Kahit na nabigla si Cally sa inakto ni Prin, nagustuhan niya ang ginawa nito. Sinuklian naman niya ng yakap ang inakto ni Prin. Tila nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya sumugod sa eskwelahan nito nang biglaan.
Para bang kinokontrol ni Prin ang lahat ng diwa na meron siya. Ang mainit na halik nito, ang yakap nito sa leeg niya na sinuklian niya rin ng mainit na yakap at ayaw niya na itong pakawalan pa.
Wala ni isa sa kanila ang gustong magtapos sa sandali na iyon. Gustong masigurado ni Prin na hindi isang panaginip si Cally.
Hindi akalain ni Prin na ang inakto niya na iyon ay matutuloy sa loob ng kwarto. Sinindihan niya ang apoy na namamagitan sa kanilang dalawa.
Pagbukas pa lang ng pinto, agad na siyang tinulak ni Cally sa pader at agad na pinagpatuloy nito ang naputol na halik sa parking lot ng eskwelahan.