Chapter 33 - They thought Hans were simple (1/2)

Habang nagmamaneho, narinig na lang nila ang pagsabog. Takot na takot si Crayola sa likuran ng sasakyan.

Hininto niya saglit ang sasakyan nang makalayo sa warehouse. Nilingon niya ang dalawa sa likuran at hinawakan ang parehas na kamay ng mga ito.

”You are safe… huwag na kayong matakot. Si Kuya Cally ang bahala sa mga nanakit sa inyo, okay?”

Nagluluha pa din ang mata ni Crayola pero tumango ito. Mas kumalma na ito kumpara ng nasa paligid pa sila ng warehouse.

Inuwi ni Prin ang kambal sa bahay kung saan naghihintay ang Mommy ni Cally.

”Mommy!!!” umiiyak na tawag ni Crayola sa Mommy niya na matyagang naghihintay sa pintuan.

Sinalubong ang mga ito ng yakap ng Mommy Ginny niya.

”Thanks Prin!” nagpapasalamat ito sa kanya.

Hindi niya nakikita ang Daddy ni Cally kaya naisip niya na naghihintay na ito sa Matsui Villa.

Parehas na nasa Japan ang magulang niya kaya malaya si Master Cloud Han, ang Daddy ni Cally na gawin sa kidnappers ang gusto nito.

Lumuhod siya para tanungin si Crayon kung ano ang ginawa ng kidnappers sa mga ito.

”Ate Prin, sinampal ng tinatawag nilang Boss si Crayola tapos yung isa, sinabunutan siya. Yung isa, tinutukan ako ng patalim tapos re-reypin daw nila si Ate Christen.” isa-isa nitong inalala ang mga naganap at kinuwento sa kanya.

”You can calm down now. You did a great job kanina.” sabi niya habang hinihimas ang kulutan na buhok nito. Halata ni Prin na ginabayan nito ang kambal na babae.

”Mom, Tutuloy na ako.” paalam niya sa Mommy ni Cally. Tumango lang ito habang yakap pa din ang bunsong anak na babae.

Halata na hindi talaga ito napalagay at sinusuri ang pasa sa mukha ni Crayola.

Dumeretso si Prin sa Matsui Villa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng magtatay sa anim na kidnappers, pero alam ni Prin na hindi maganda ang gagawin dito ni Cloud Han.

Everyone in Dark Guards and Dark Lords knew how ruthless is Cloud Han. Ilan sa miyembro ng Dark Lords ang nakatikim ng bagsik nito. Ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang may masaktan sa pamilya.

Galawin at saktan mo na ang lahat, huwag lang ang pamilya nito lalo na ang Mommy ni Cally.

A normal person like those kidnappers could see him as an ordinary businessman but Dark Lords knew that he rules the world. Even her Grandmother, who is one of the Yakusa leader ay malaki ang respeto dito.

Pinatawag pa ng mag-ama si 'Bantay', the leopard.

Napapailing na lang si Prin sa kahihinatnan ng kidnappers.

=====

Tinulak ni Cally isa-isa ang anim na kidnappers sa harapan ng Daddy niya.