Chapter 418 - Penelope and Hanz: Smiley (2/2)
'So, isa pala siyang businessman'
She really wanted to know kung ang lalaki ang nagpapadala sa kanya ng bulaklak pero base sa anyo at awra nito, hindi ito magbibigay ng oras sa isang katulad niya na simpleng dalaga.
She can tell that the man is not that simple. Palaging may kasamang dalawang body guard.
Naputol lang siya sa nililipad niyang kaisipan nang ayain siya ni Dylan na magsayaw.
Nang matapos ang event, nabigla na lang siya nang may mag-abot muli sa kanya ng kumpol ng pulang rosas sa entrada ng bulwagan.
Kinuha niya ang card na nakalakip dito at binasa.
[If you were a movie, I'd watch you over and over again. --Smiley]
She smiled just like his pseudonym saka ibinalik muli ang mensahe sa gilid ng handle nito.
”Hindi ka ba natatakot sa bulaklak?” Tanong ni Dylan.
”No” she honestly said.
Ramdam ng kalooban niya na hindi masamang tao ang nagpapadala ng bulaklak na iyon sa kanya. She could feel the sincerity behind those flowers.
”I can say that he's a stalker. Bakit alam ng taong ito na si 'Smiley' kung saan ka hahanapin?” Bahid ang disgusto sa anyo ni Dylan.
”Huwag ka na nga lang epal dyan!” Saka niya ito inirapan at tumuloy na sa kanyang hotel suite.
Nang gabi na iyon mas nabigla si Baba dahil isang email mula kay Smiley ang natanggap niya.
[I like the night. Without the dark, we never see moon and stars -Smiley]
Umawang ang labi niya dahil sa pagkabigla. Bigla tuloy ang lingon ni Baba sa labas ng bintana. Bilog na bilog ang full moon sa kalangitan. At parang mga diyamante ang mga bituin.
Napalitan ng ngiti ang kanina ay pagkabigla niya sa biglaan nitong pagpaparamdam.
[Bakit hindi ka nagpapakilala ng personal?] Tanong niya dito.
[I'm shy -Smiley]
Baba ”...”
[Hindi mo man lang ba naisip na baka isang stalker ang tingin ko sa iyo? -Penelope]
Halos mabilaukan si Prince Hanz sa nabasa na inuokupa ang katabing kwarto.
[I'm a good person don't worry -Smiley]
[Sabagay, wala ka namang makukuha sa akin. Hindi ako mayaman. Are you a girl or a boy? -Penelope]
[A boy -Smiley]
Napangiti si Baba. She is imagining Smiley sa lalaki na may berdeng mata. How she wished na sana ay totoo ang hinala niya...