Chapter 415 - Penelope and Hanz: Princes guilt (1/2)

”Is he my Dad?” Kaitlin asked.

Halos ubuhin si Baba sa tanong na iyon ni Kaitlin.

Hindi naman niya masisi ang anak kung isipin nito na si Prince Hanz ang tatay nito. Sa loob kasi ng mahabang panahon, walang lalaki ang nagtangka na mag-approach sa kanya.

Madalas aloof si Baba at halos maging loner siya sa mahabang panahon.

Looking at the bouquet of flowers, three trays of breakfast and the deeper meaning of their conversations, malamang na mapagkamalan nga ni Kaitlin na may nakaraan sila ni Prince Hanz.

Ngayon lang din niya napansin na parehas ng kulay ang mata ng dalawa. Green. Hindi niya iyon pinuna nang una dahil marami siyang nakakasalamuha na green ang mata. Isa pa, magkaiba naman ang shape ng mata ng mga ito kahit pa parehas iyon ng kulay.

Hindi niya iyon binigyan ng halaga. Kahit ang dalawang lalaki na iyon ay green ang mata.

Parang gusto niyang sumuka nang balikan ang dalawang lalaki sa nakaraan. Pinilig niya na lang ang ulo.

Ngunit nagtaas ang kilay niya sa sinagot ni Prince Hanz.

”I am.”

*cough cough* Lalo siyang inubo sa sinagot nito. He dared to admit that he was the father!

”You.. You.. You.. Huwag mong paasahin ang anak ko!” singhal niya.

Napaatras din naman siya dahil sa talim ng tingin na ipinukol sa kanya ng dalawang bodyguard nito. She forgot that he was a prince afterall. Sa paningin siguro ng dalawang lalaki na may malalaking muscles ay sobrang lakas ng loob niya para singhalan ang prinsipe ng mga ito.

Pero para siyang hangin na hindi pinansin ng anak niya at ni Prince Hanz. Sa halip, nilakihan ni Kaitlin ang pintuan para patuluyin ang lalaki. She was satisfied by his answer.

”Come in!”

Mabilis naman na kumilos ang dalawang bodyguard ng prinsipe at agad na itinulak ang food cart papasok sa loob ng tahanan ni Baba.

'Hey, I'm still here!'

Hinawakan niya si Prince Hanz sa braso nang nasa tapat niya na ito para pigilin bago pumasok.

”Chairman Hanneson! Let me talk to you in private! Follow me in that room!” turo niya sa isang kwarto.

Ngumiti naman ng malalim si Prince Hanz. Nakaangat ang isang gilid ng labi nito.

”I know sweetheart that we missed each other so much. But you see, I don't want to give Kaitlin a bad impression about me. Hayaan mo muna na makakain man lang tayo ng agahan.”

”Wh-what nonsense are you talking about?! Sinong nakamiss sa pagmumukha mo? Gusto kong sabihin sa iyo na hindi nga tayo close kahit noon! Hindi nga tayo nagkasama sa iisang lugar.” pinameywanagan niya ito.