Chapter 403 - Who of the two is Cally? (1/2)
Asar na asar si Prin. Matapos siyang lokohin ng asawa niya na naghugis-mais na ang mukha niya, nagtungo siya sa ladies room na naroon sa unang palapag.
Nagkaroon ng isang linyang sugat sa pisngi niya na bahagyang nasa ilalim ng mata niya. Bukod doon ay wala na siyang nakikitang iba pa. Mukhang nagawa siya nitong lokohin para huwag sumunod sa paghabol nito kay Gon.
Inayos niya ang pagkakasuot sa coat ni Cally bago siya lumabas ng ladies room.
Tinanggal niya sa pagkakatali nito si David.
”Are you alright?” tanong niya dito.
”Yes.”
”Susundan ko si Cally. Stay here.”
Tatayo na sana si Prin nang pigilan siya ni David sa braso. ”Prin, the enemy looks like Master Cally. Are you sure? Baka mapahamak ka.”
”Don't worry. I know who my husband is between the two people.” paninigurado niya dito.
”Please help my team outside. Gulpihin mo lang ang kung sino ang trip mo.” Saka siya tuluyan na tumayo at tinungo ang hagdan para sundan si Cally.
=====
Sa pwesto naman ni Cally...
Nakita ni Gon na paakyat si Prin sa hagdan kaya napatiimbagang na lang ito dahil hindi rin ito makakababa para makatakas. Nag-aatubili ito at nag-iisip kung saan pa pwedeng lumabas. Hanggang sa maramdaman na lang nito na sinipa ni Cally mula sa likuran.
Dumausdos sa sahig si Gon at agad na nakabawi. Pumorma na handa itong lumaban.
Kapwa matalim ang tingin ng dalawang lalaki sa isa't-isa.
Napopoot si Gon kay Cally. Puno ng paghihiganti ang mga mata niya dahil hindi niya makakalimutan na namatay ang Mommy niya dahil sa magulang ni Cally.
Simula bata pa lang, pinaintindi na sa kanya ng lolo niya na kailangan niyang makaganti. Its true that his grandfather wants the whole Dark Lords na isa sa mga minana niya dito. He also wanted to ask kung ano ang mayroon sa pamilya ni Cally. Kung bakit masaya ang pamilya ni Cally, samantalang siya ay namuhay nang malungkot at mag-isa.
Kung nag-aapoy ang mata ni Gon, ganoon din si Cally. Ilan ang mga taong namatay sa kamay ni Gon? Ilan sa mga malalapit niyang kaibigan ang napahamak dahil ginawan nito ng masama? Kahit si Prin ay dalawang beses na nawala sa kanya dahil sa taong ito kaya naman gusto na niyang tapusin ang laban nila sa oras na iyon.
”Haaaah!!!” sabay na humiyaw ang dalawa saka nagpalitan ng suntok at sipa.
Dahil may anesthesia ang braso ni Gon, nahirapan siya na ikilos ang isang braso na namanhid. Mas madalas na binti ang ginagamit niya para labanan si Cally. Pinipilit niya lang din na gisingin ang sarili at nilalabanan ang gamot.
”Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo na ginaya mo ang pagmumukha ko.” saad ni Cally bago niya sinuntok sa mukha nito si Gon.
”Hah! As if I wanted you face!” Sinipa naman siya nito at tumilapon si Cally. Doon lang niya napansin na nasa garden na sila.
”MB5, help me get him!”
Tumingin si Kai sa kaliwa at kanan. Kapwa naka-itim ang dalawa. Magkasing-taas din ang mga ito. Gusto niyang mag-mura. Parehas din ang awra ng dalawa na tila naging super saiyan. Nag-aapoy ang awra ng mga ito.
”Putang *!” hindi niya alam kung sino sa dalawa ang tunay na Cally.
Hanggang sa nagsimula muli ang sagupaan ng dalawa.