Chapter 400 - Think Prin, Think! (1/2)
Hindi na nakatiis si Cally at nagpapalit siya ng motor sa isang lalaki na nakasabay nila sa highway.
Binusinahan ito ng isang Dark Guard na nasa driver seat ng ilang ulit. Kaya huminto sila sa gilid.
”I'll give you this car, in exchange for your motorcycle.” sabi ni Cally sa korean. Tinuro niya ang kotse na gamit nila.
”Master!” pagtutol ng isang Dark Guard. Hindi nila hahayaan na si Cally ang mag-isa na sumugod sa kalaban.
Isang BMW ang kotse ni Cally. Syempre, pumayag ang lalaki. Agad nitong hinagis ang susi sa kanya.
”I need to be faster. Mas mauuna ako ng ilang minuto kung ito ang gagamitin ko.” hindi niya kaya na maghihintay lang sa sasakyan at mag-iisip lang kung kailan makakarating sa lugar ng asawa niya.
Mabilis na sumakay at pinatakbo ni Cally ang motor.
Walang nagawa ang mga Dark Guards.
” We will give it to you once we are in a city”
Matalim ang mata niya habang nasa kalsada. He can't wait to kill this Gon Peter para mas mapanatag ang loob niya na ligtas silang pamilya.
====
Samantala sa lugar ni Prin…
Hawak ang patient's gown, sinabi niya na magpapalit siya ng damit sa isang kwarto na nasa malapit dahil nilalamig na siya sa suot na basang pajama na naambunan.
Manipis pa rin naman ang damit na ipapalit niya pero kahit papaano ay hindi naman iyon basa. Nilagay niya sa bulsa na suot ang mga nakuha niya sa nurse station na limang anesthesia. Hawak niya ang surgical scissor at baril sa kabilang kamay.
Si David naman sa labas ng kwarto ay alerto na nagbabantay. Nagulat siya nang makita si Cally na nandoon na sa lugar.
Seryoso ito na papalapit sa kanya. Mabibilis ang mga hakbang nito at halatang nagmamadali.
He is wearing a black polo and long slacks. His dark brown hair is waving while he walks toward David.
”Hey! Mabuti naman at dumating ka na! Paano ka nakapasok? Did they see you?” usisa ni David kay Cally.
Hindi ito sumagot hanggang sa makalapit sa kanya. Sa halip, pinukpok siya nito ng armas sa ulo ng napakalakas.
Agad na lumabo ang mata ni David. ”F*ck…”
Sumenyas si Gon sa mga kasama na nagtatago para bitbitin si David ng mga ito.
May narinig na kalabog si Prin sa likod ng pintuan matapos niyang masinop ang mga gagamitin.
Dinikit na muna niya ang tenga sa likod ng pintuan para marinig kung ano ang nagaganap sa labas bago niya napagdesisyunan na buksan iyon.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan palabas. Nagulat na lang siya nang paglabas niya ay wala si David.