Chapter 391 - Cassandra and Lorenz: Deny (1/2)

Galit na galit na inagaw ni Prince Philip ang espada ng Royal Guards sa tahanan ni Duchess Camila.

Sa palagay kasi niya, kahit patayin niya si Lorenz sa araw na iyon ay wala masyadong epekto dahil nananatili na simpleng-tao ang tingin niya dito.

Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ni Lorenz. Pinigil nito ang kamay niya na may hawak na espada na nakaangat para bumwelo at tumira.

Hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay hanggang sa maramdaman niya na parang nabali ang mga buto niya saka siya sinakal sa leeg hanggang sa mabitawan na lang niya ang matalim na espada.

Nabigla naman ang mga tao sa paligid. Kahit sila ay hindi akalain na kikilos ng ganoon ang prinsipe. Mabuti na lang at napigilan ito ni Lorenz.

Kahit si Cloud na nasa malapit ay pinrotektahan ang asawa nito.

Matalim ang mga mata ni Lorenz na diretsong nakatingin kay Prince Philip.

”Where did you bring Khalid?”

Halos ubuhin na ito dahil sa pagkakasakal ni Lorenz.

Nakaramdam naman ng hilo si Duchess Camila matapos mapanood ang mga naganap. Katabi niya ang magulang ni Philip na nagulat din sa pangyayari.

”Camila, stop your son-in-law!” galit na napatapik si Prince Gostav sa mesa.

”Lorenz, stop it!” si Cassandra na ang pumigil sa asawa niya. Bisita lang sila sa bansang iyon at hindi niya alam ang gagawin na parusa sa asawa niya kung sakali na mapatay nito si Prince Philip.

Iba ang kalakaran sa bansang iyon pati na ang kalakaran sa Dark Lords.

Mabilis naman na sumunod si Lorenz sa asawa niya.

Hinagis ni Lorenz na parang papel si Prince Philip sa damuhan na nananatiling matalim ang mga mata. Dumausdos ang prinsipe hanggang sa mapadapa ito sa damuhan.

Inubo ng todo ang prinsipe.

”You (cough) you tried to kill me! (cough) Lock him up!” utos ni Prince Philip sa mga guards habang turo si Lorenz.

Agad na lumapit ang mga gwardiya kay Lorenz dahil kahit papaano ay prinsipe sa bansang iyon si Philip.

Pinalibutan ng guards si Lorenz. Kahit pa hindi naman siya natatakot. Kaya lang sumasakit na ang tiyan ni Sandra sa stress sa mga naganap.

”Stop!” sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pumigil ng kaguluhan.

Isang babae na may magandang kasuotan ang nakita ng lahat na nasa gitna ng mga manonood at nakabalot ng bandana ang mukha.