Chapter 389 - Cassandra and Lorenz: Fencing (1) (1/2)
Sa kahabaan ng pasilyo, matapos magpiano ni Khalid. Nangulit na naman siya at inikot ang royal house ni Duchess Camila hanggang sa pasukin niya ang isang kwarto at may marinig siyang ungol na nagmumula sa terasa.
Ungol ng nagtatalik. Pero ang nasa isip ng batang si Khalid ay baka may multo sa lugar.
Di ba ang mga mumu ay umuungol din?
Until he saw a shoe sa gilid ng pader kung saan nagmumula ang ungol. Nakakunot ang noo ni Khalid nang makita ang sapatos na bahagyang nakausli.
Pero mas pinili niya na umalis lalo na at bahagyang madilim ang kwarto. Sa pagtakbo niya sa pasilyo ay nasagi niya ang isang base sa labas.
Nakagat niya ang maliit pa niyang hinlalaki saka lumingon sa kaliwa at kanan habang bahid ng pag-aalala ang mukha
Baka pagbayarin siya ni Duchess Camila.
Hindi niya alam kung magkano ang base na iyon na mukhang nagmula pa sa victorian era. Baka matapyasan ang kayamanan niya kaya mabilis siyang tumakbo na parang walang nangyari. Paliko na siya nang dalawang tao ang lumabas mula sa kwarto at tumingin sa kanya.
Si Khalid lang ang tanging bata sa lugar kaya agad siyang nakilala ng dalawa.
”Did he see us?” tanong ng isang lalaki.
”I don't think so. Tingin ko napadaan lang siya dito.” tanong ng isa pang lalaki.
”If that's the case. I have to go. Baka sa susunod, iba na ang makakita sa atin” saka ito sumunod sa direksyon ni Khalid na parang walang nangyari.
Sa kabilang parte naman, nakasalubong ni Lorenz si Khalid sa pasilyo. Pinahahanap ni Ginny si Khalid na bigla na namang nawala sa paningin nito.
”Lagot ka kay Tita Ginny. Ikot ka na naman ng ikot.” banta ni Lorenz
”Sorry…” tapos bumulong. ”Tito Lorenz, is there a mumu here?”
Hinaplos ni Lorenz ang buhok ni Khalid. ”None.”
Nakakunot ang noo nito.
”But I heard some noises. 'Whoooohh' 'Waahhh'”
Tumikhim si Lorenz. ”Ehem!”
Kung pagbabasehan ang kwento ni Khalid, mukhang may nagtatalik sa pinanggalingan nito.
”Ahhm kid... That is the noises of Mommy and Daddy making a baby” sinubukan ni Lorenz na magpaliwanag.
”Alam mo na, ahmm… may angel na bumaba para magbigay ng baby sa nanay. T-that is the sound of kissing and hugging. That's right!” pinagpawisan bigla si Lorenz.
He knew that Khalid is not an ordinary kid and definitely not an idiot. Pero sinubukan niya pa rin na gumawa ng kwento. Kahit papaano naman ay apat na taon lang si Khalid.
Ngumiwi si Khalid. ”Eeew… Can a boy also be able to have a baby?” base sa ekspresyon nito, halatang dalawang lalaki ang nadinig nito.
Sumeryoso si Lorenz. Magtatanong pa sana siya dito kaya lang narinig na nila si Ginny.
”Khalid!” halatang galit na ito. Lumapit ito sa kanila.