Chapter 371 - Cassandra and Lorenz: Changed of life (1/2)
”Kamusta Shogun?” sagot ni Mat-mat sa kabilang linya.
Kasabay ng pakikipag-usap niya dito ang pag-ikot niya sa kwarto. Iniisip niya kasi na baka may 'bug' sa kwartong iyon o monitor sa kanilang mag-asawa.
Kailangan niyang mag-ingat.
”Please locate my luggage. Someone is trying to play with me?” sinabi agad ni Lorenz ang rason ng pagtawag niya dito.
Alam ni Mat-mat na nasa Sweden ang Shogun para dalawin ang biyenan nito.
”Wow! Hindi ko akalain na may maglalaro sa isang Shogun na tulad mo. This person is looking for his death.” nakangisi si Mat-mat sa kabilang linya.
”It's my mother-in-law” Masama pa rin ang loob ni Lorenz. He was really disappointed with Cassandra's mom.
He understood that she only wanted to protect her daughter. Pero kailangan din nitong intindihin na hindi na nag-iisa si Cassandra. She has him as her husband.
”He he… ngayon alam mo na ang pakiramdam ng pinagti-tripan ng in-laws? Tingin ko, kailangan mo ng payo mula sa expert na katulad ko. Alam mo ba ang mga naranasan ko sa lola ni Donna? Ganyan na ganyan! May time pa na kung anu-ano ang tinatawag sa akin. Mabuti na lang at marunong ako manuhol.”
”Wala akong plano na makinig sa issue mo sa lola ni Donna, okay.”
”Ouch! It hurts! Parehas kayo ni Cally na walang mga puso! Ginagalang ako sa industriya ng teknolohiya. Pero pagdating sa inyo, isa lang akong kawawang nilalang. hmp!”
Sumasakit lalo ang ulo ni Lorenz habang kausap si Mat-mat.
”Just locate my luggage!” sabi niya habang sinsilip ang mga gilid-gilid ng cabinet.
”Fine! Fine eto na nga at naninigas na.”
Nagpipindot ito sa laptop nito pero ilang saglit lang may naririnig na si Lorenz na nursery rhyme sa lugar ni Mat-mat.
”The wipers on the bus go swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish… the wipers on the bus go swish, swish, swish, all through the town”
”Is that coming from your laptop?” tanong ni Lorenz dito. Kasalukuyan na siyang nasa ilalim ng kama para kapkapin kung may makikita siyang bagay doon.
”Yes” tila balewala na sagot nito habang may pinipindot sa laptop nito sa kabilang linya.
”Bloody hell! What the...” napamura na lang siya.
”What? ” tanong nito.
”Where are your p.o.r.n's oohs and aahs? Tuluyan ka nang naging matandang hukluban” nakangisi na tudyo niya.