Chapter 368 - Teach a lesson (1/2)
Gumawa ng paraan si Cally para ipaayos ang mukha ng asawa niya.
Hindi niya rin talaga matitiis na malungkot ang misis niya sa nangyayari dito. Kaya matapos ang dalawa pang araw, nagtungo ang mag-anak sa Korea.
Hindi pa nagawa ni Cally na ibalik ang kulay ng buhok nito sa dati nitong kulay na dark brown dahil mas inayos niya ang problema ni Prin.
Apat na magagaling na surgeons ang nirekomenda ng kapatid niya na si Christen na kasalukuyang anim na buwang buntis.
”Master Cally, your wife will be staying here for at least 2 to 5 months.” Sabi ng isa sa apat na doktor matapos na masuri ang lahat kay Prin.
Namumula pa rin ang mata ni Prin kahit lumipas na ang ilang araw dahil masama talaga ang loob niya.
Bumaling ang doktor kay Prin matapos nitong ipaliwanag kay Cally ang lahat ng gagawin na procedure sa kanya. ”You have to rest for three days before the procedure. Be physically and psychologically ready for the procedure.”
Malungkot pa rin si Prin pero sinagot niya ito ng ”I will.”
Matapos na lumabas ng apat na doktor sa kwarto, lumapit si Khalid kay Prin.
”Mommy, how are you?” Halata na nag-aalala ito sa kanya dahil ilang araw na siyang hindi mapalagay at umiiyak.
”I'm sad.” Sagot niya dito.
Sumampa naman ito sa hospital bed at yumakap sa kanya. ”Don't be sad. I will be staying here with you.”
”Don't you have a piano competition this weekend?” Tanong niya habang seryoso ang tingin dito.
Nakapasa ang video ni Khalid para lumaban sa actual competition para sa Junior level. Tumango ang anak niya.
Nalungkot naman si Prin dahil hindi niya ito masasamahan sa una nitong laban. Sa halip, si Miss Bei ang kasama nito.
”But I decided to stay here with you” narinig ni Prin mula sa bibig ni Khalid.
”...I will join again in the future. I want to stay with Mommy this time.”
”Oh! Baby, thank you!” Humigpit ang yakap niya sa anak habang pinukulan ng matalim na tingin ang asawa niya na nasa isang panig ng kwarto
Kung tutuusin, sumali lang naman si Khalid dahil sa pera na mapapanalunan niya. Pero ngayon na kailangan ng Mommy niya ng suporta, mas pinili niya na manatili kasama ito.
He will stay where his Mommy is staying.