Chapter 350 - Caught (1/2)
[Feibulous :SPG content, alam na pero warning dahil baka kabagin]
”But I'm not joking, Honey” bulong muli ni Lorenz sa tenga ni Cassandra.
Hinarap niya ang buong mukha ni Cassandra saka buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi nito. Kung tutuusin, ayos lang kay Lorenz kahit na hindi siya magkaroon ng anak. Kung hindi sila bibiyayaan ni Cassandra ng baby, he will accept it no matter what.
It's not as if he will love another woman para lang magkaroon ng susunod na Lorenz.
Dalawang taon ang nakaraan nang sabihan siya ni Christen nang palihim na may bara sa fallopian tube ang asawa niya. Dahilan para mahirapan ito na magbuntis.
May chance pero mahirap unless they will do the IVF procedure.
Sinabihan niya si Christen na ilihim na muna ang tungkol dito dahil ayaw niyang mawalan ng pag-asa si Cassandra tungkol sa pagbubuntis.
Dahil alam niya ang insecurities nito.
Matty and Donna are having three children na mas nahuli na magpakasal kaysa sa kanila ng ilang buwan. Si Christen na kinasal nang nakaraang taon lang ay buntis din sa ngayon. Kahit si Master Rob na sesenta anyos ay nagkaroon pa rin ng anak.
So, he understands his wife's insecurities. Sa parte niya, ang mahalaga ay masaya naman siya sa process ng paggawa ng baby kaya ayos lang.
”Let's go home”
Sa ibaba ng burol na iyon nakatira ang mag-asawa. May 30 minutes na biyahe at halos malapit lang din ang apartment nito sa mag-asawang Rob Matsui at Miss Ingrid.
May dalang sasakyan si Cassandra kaya si Lorenz ang pasahero sa gabi na iyon.
Nasa gitna sila ng byahe nang biglang huminto ang sasakyan. Doon niya lang napansin na naubos na ang gas.
”Oh Honey, I'm sorry.” nahihiya na saad ni Sandra. Hindi pa siya sanay na magdrive ng sasakyan kaya hindi niya iyon namonitor. Mula Kent Mansion hanggang apartment pa lang ang nabibyahe niya.
Si Lorenz ang madalas na nagbbyahe kung sa malayo ang lakad nila o kaya naman ay may inuutusan itong Dark Guard.
”No worries, sweetheart. Tatawag ako ng Dark Guard to help us.”
Tumawag si Lorenz at nagpahatid ng gasolina sa lugar nila.
Masukal ang daan at madilim ang kapaligiran sa lugar nila sa kasalukuyan. Tanging headlight lang mula sa sasakyan ang nagbibigay ilaw sa mag-asawa. Nasa burol pa sila na pag-aari ng Kent Family kaya tiwala si Lorenz na walang mangyayari sa kanila doon.
Tahimik sila na naghintay sa loob ng sasakyan.
Naisip ni Sandra na magcheck muna ng emails sa cellphone niya habang naghihintay.
Habang busy siya sa cellphone, her husband is also busy unbuttoning her blouse.
”Ho-honey, what are you doing?” takang tanong niya dito.
”Ginagawang makabuluhan ang paghihintay natin.” kinuha nito ang cellphone ni Sandra at hinagis iyon basta sa likuran ng kotse.
Sandra ”...”
Gusto niyang tumutol ngunit nasakop na nito ang labi niya. Paano kung dumating ang Dark Guard na inutusan nito?