Chapter 346 - Double the price (1/2)
Hindi napigilan ni Prin na umiyak nang makita ang buong bulto ni Rob Matsui na lumabas mula sa elevator.
Ngunit nabigla siya nang nilampasan siya nito.
”Daddy!” hinawakan niya ito sa braso para pigilin.
Nakakunot ang noo nito ”sino ka?”
”ehhh… Daddy naman e” nagmamaktol na saad niya.
”Woah, kaboses mo ang anak ko!”
”Daddy naman e… Siyempre ako to! Si Prin ako!” nagpapadyak na saad niya.
Pinagmasdan siya nito ng mabuti. Nilapit nito ang paningin para mas masilayan siya.
”weh?!”
”ehhh… nagparetoke lang ako” biglang umatras ang luha na namuo sa mata niya dahil sa kakornihan nito.
”Totoo nga ang sabi ni Ginny, nag-iba ang mukha ng anak ko.”
”...Si Prin ka talaga, hindi ka nagsisinungaling?” tanong nito na may bahid ng pagdududa.
”Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang sikreto mo kay Mommy Ginny?”
Tinakpan ito ang bibig niya ”'wag kang maingay… Sige, naniniwala na ako na anak kita.”
Yumakap si Prin sa baywang nito. Abot-tenga ang ngiti niya.
”I miss you Daddy”
Naniniwala naman si Rob. Simula pa lang nang makita niya ang bagong katauhan ng anak na ginulpi si Felix gamit ang paperweight na nabitawan nito.
Gusto lang niya na pagtripan ito ng kaunti. Gusto rin niya na pigilin ang galit na nararamdaman kaya mas minabuti na biruin niya ito.
Prin looked at her Dad. She missed him so much, tulad ng pagka-miss niya sa mommy niya. Gusto niya na makita ang dalawa simula pa nang nakaraang linggo pero sinabihan siya ni Cally na nandito nga daw sa bansa ang magulang niya.
Nabigla na lang siya nang pisilin nito ang ilong niya ng mariin.
”Dad! Ilong ko iyan, kapag tumabingi o kapag tumangos ng sobra, hindi na ako magugustuhan ng apo mo”
Hindi nito pinansin ang reklamo niya, sa halip ay pinisil nito pati ang pisngi niya.
”Hindi lang ako makapaniwala na nag-iba 'yung mukha ng anak ko.”
Hindi siya natutuwa na biglang nag-iba ang anyo ng anak niya. Sinong magulang ang matutuwa sa ganoon? Pero nasabihan na siya na nasunog ang mukha ni Prin kaya bigla itong nagpalit ng katauhan.
Kung may ipinagpapasalamat man siya, iyon ay ang mga mata nito na naiwan bilang simbolo na ito si Prin Matsui. Sa kanya nito nakuha ang mga matang iyon, kaya paanong hindi niya iyon ipagpapasalamat?
Nagkaedad na rin naman si Rob. Kung tutuusin, nabibilang na ito sa senior citizens. Pero halata na malakas pa ang Daddy niya.
”I was told, you had a baby.”
”Yes, your sister is one year old now”