Chapter 336 - Whirlwind Romance? (1/2)
Isang magandang babae si Miss Bei, kung tutuusin may hawig ito kay Gal Gadot. Mukhang aral din ang babae at saka matalino sa isip ni Prin. Normal naman sa mga pianist ang ganoong pagkilos para mas makaenganyo ng fans.
Matapos iyon, tinanggal niya na sa isipan pa ang babae.
Naging maayos pa rin ang pagturo ng guro kay Khalid. Naririnig sa buong kabahayan ang tunog ng pagtugtog nito ng piano.
Prin was proud. Narelax pa nga siya kung tutuusin sa pagtatrabaho habang pinakikinggan ang pagtugtog ni Khalid. It was as if the person who plays the piano is not a four year old kid.
Buong oras na nakangiti si Prin sa opisina ni Cally.
Sa piano room… Tumikhim si Teacher Bei matapos ang oras ng pag-ensayo nila ni Khalid. ”You are good.”
”Really?” tanong nito.
”Yes. Do you want to compete?”
Nagliwanag ang mukha ni Khalid at nag-isip saglit. ”Hmmm.. I'll ask my Mommy”
Simula nang dumating si Prin sa bahay na iyon, tinatanong ni Khalid ang Mommy niya sa lahat ng bagay.
”I will ask Mommy if I'm good and would be able to join the contest.”
Pinilit na ngumiti ng babae. Parang nawalan ng saysay ang tanong na iyon ni Miss Bei sa bata dahil depende pa rin sa kung ano ang magiging desisyon ng Mommy nito. Kung mag-decide si Miss Yuna na hindi sasali si Khalid, iyon ang masusunod.
Saglit na umasim ang mukha ng guro. 'Who is this Miss Yuna?'
”Since when did she come here?”
Nagbilang naman sa isip si Khalid. ”I think for a week.”
She came here just a week ago and everything was under her control?
Hindi matanggap ng guro na may matatagpuan siyang bigla na babae doon matapos niyang maglaan ng oras kay Khalid. Everyone in the society knew that Master Cally was single for a couple of years.
Maraming babae ang gusto na maging Mrs Cally Han and she was not an exemption.
She tried to befriend with his kid at baka sakaling mapalapit ang loob niya sa bata. Narinig niya sa iba na kung sakali na mapalapit ang loob niya kay Khalid, there is also a bigger chance na mapalapit siya sa tatay nito.
For a couple of months na pagpunta-punta niya doon ay wala siyang nababalitaan na may napupusuan si Master Cally because he was still in love with his wife.
Paanong nangyari na pagdating niya doon ay may bubungad sa kanyang babae na dumating lang doon isang linggo lang ang nakalipas?
Kailangan niyang ipagtanong-tanong ang pagkatao ng nanay-nanayan ni Khalid at baka makakita siya ng posibleng gamitin laban dito.