Chapter 306 - Kiss on her lips (1/2)
He continues to analyze Yuna habang natutulog ito sa kabilang couch. Even her sleeping posture is like Prin Matsui.
Hindi niya rin maramdaman ang panganib sa babae. Hindi niya napigilan na lapitan si Yuna at huminto sa tapat nito para titigan ang buong mukha nito na nakapikit.
She has a pointy nose, nice chin, clear skin na halos wala ng makitang pores sa balat nito. A lips like cherry.
He can tell that Yuna underwent plastic surgery sa malapitan. Hindi niya iyon napansin ng una.
”Master...” naputol siya ng attendant dahil pauupuin sana siya nito dahil sa galaw ng hangin o air turbulence. Sinenyasan niya ito na umalis sa harapan niya. Nagbalik naman ang babae sa kabilang kwarto
Ilang saglit pa, biglang gumalaw ang eroplano patagilid. Natumba si Cally sa pwesto ni Yuna.
Agad naman niyang nahawakan ang arm rest ng couch para sa suporta. Pinilit niya na huwag masagi o maipit si Yuna na nanatiling malalim ang pagkakatulog.
Doon niya lang nakita na nagbigay pala ng seatbelt warning ang piloto niya.
Gumalaw muli ang eroplano. He never thought na babagsak ang mukha niya sa leeg ni Yuna. Kahit pa hindi nakikita ni Cally ang sarili, alam niya na namula ang mukha niya dahil sa intimate position nilang dalawa.
Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na amoyin ang leeg nito. She smells like cherry blossoms in an early spring time.
”Master, are you okay?” tanong ng piloto sa radyo.
”I'm good!” sigaw niya dahil sa pagkainis. Mabuti na nga lang at nananatili na tulog si Yuna.
Hindi niya akalain na tulog mantika din ang babae. O kaya naman napagod ito sa pagswimming sa dagat
Nanatili si Cally sa posisyon niyang iyon. He is enjoying her scent. Hindi niya alam kung gaano katagal pa niya na pinagmasdan at inaral ang babae.
Tapos, sumunod ang kanina pa niya tanong sa mahabang oras na pagkakatitig niya dito.
'Are you Prin Matsui?' while looking at her.
He is not certain about her but he followed his instinct. He can't help but to place a kiss on her lips.
Ang mas lalong kinabigla ni Cally ay nang gumanti ito ng halik sa kanya sa iilang pagkilos lang ng labi nito. Then she stopped and continue her sleeping. It's like she forgot everything but her body and heart will always remember.
Isang luha ang namuo sa mata ni Cally.
Bumalik siya sa couch kung saan siya talaga nakaupo at tumingin na lang sa bintana.
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ayaw niyang gumawa ng aksyon na ikapapahamak na naman ng pamilya niya. Ayaw niyang umasa but the truth was right before his eyes?