Chapter 293 - Dont go (1/2)
Hindi lingid sa kaalaman ni Yuna na namatay na ang Mommy ni Khalid na si Prin Matsui at ang balita sa kanya ng Daddy niya ay kasama niya ang babae noon.
Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-guilty at awa kay Khalid lalo na nang makita niya ang bilog na mata nito na namasa dahil sa luha.
'Uhmmaaa' tila umaalingawngaw sa pandinig ni Yuna ang iyak ng isang sanggol habang kapit na kapit sa binti niya ang batang lalaki.
Bahagya siyang natigilan.
”Miss Yuna?” tawag muli ng chauffeur na mukhang naiinip na.
”Ahh…” hindi niya alam ang gagawin at napakamot na lang siya sa ulo. Nakadagdag pa sa pressure niya ang pagpigil din sa kabilang binti niya ng batang babae.
”Don't go… don't go” nakigaya si Angel kay Khalid.
'Lord, please tell me, ano ang nangyayari?'
Kulang na lang ng dalawa pang bata sa magkabila niyang braso at mapagkakamalan na silang Voltes 5 na mabubuo para maging isang robot!
”Anong kaguluhan ito?” tanong mula sa pintuan.
Malamig ang boses nito na katamtaman lang sa pandinig niya. Hindi naman galit ngunit may dating at halatang may awtoridad ang paraan nito ng pagtatanong.
Napatuwid si Yuna ng tayo nang salubungin ang mata ni Cally. Kasama nito si Lorenz. Bahagya rin na napayuko ang chauffeur na kasama niya na nasa pintuan papalabas para galangin si Cally.
Ang totoo, nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ang sabi sa kanya ay kasama niya sa barko na nasunog noon si Prin Matsui. Kahit hindi siya ang nasa lagay ng mga ito, sigurado na masakit ang mawalan ng asawa o magulang.
Kaya naman bahagya siyang nalungkot habang nakakapit sa binti niya si Khalid.
”M-Master Cally, sorry po. Naghatid lang ako ng cake mula sa Romantik Grand Hotel” kinakabahan niyang sabi. Hin
Kumunot ang noo nito at tiningnan ang cake na nasa mesa at ang dalawang bata na kapit na kapit sa binti niya.
”Wa-wala po akong ninakaw!” biglang sabi ni Yuna.
Sa dami kasi ng gwardiya at sa higpit ng seguridad sa White Castle, baka kasi may ginto doon at baka isipin na may binulsa siyang gamit kaya siya pinipigilan ng dalawang bata.
Cally ”...”
”U-uuna na po ako!” nagsimula na siyang maglakad ngunit mabigat ang una niyang hakbang dahil sa dalawang bata na ayaw siyang paalisin.
”P-pwede niyo po ba akong tulungan?” nakikiusap ang mata ni Yuna na nakatingin sa dalawang lalaki.
Ilang saglit pa, sumilip sa pintuan si Kai. Nakakunot din ang noo nito nang makita siya.
Hindi maiwasan na kabahan si Yuna. Bilang isang Byrnes, hindi kaila sa kanya ang identity ng mga taong nasa bungad ng kusina kaya napalunok siya.
”Angel, what are you doing? Come here. Come to Daddy” tawag dito ni Kai na masama ang tingin kay Yuna dahil baka iniisip nito na nam-bu-bully siya ng mga bata.
”Daddy, we are playing 'Please don't go'” sagot nito.