Chapter 290 - Bring a cake to Ginnys grandchild (1/2)

Tumutunog ang heels ni Yuna sa makinis na tiles habang tinutungo ang VIP lounge. Ayon sa staff, gusto siyang kausapin ni Apolo na Daddy niya.

Natagpuan niya ito na nakaupo sa isang couch na umiinom ng tsaa. Tulad pa rin noon ay nakaputi ng suit ang daddy niya. Nasa kabilang couch naman si Mari at si Felix na hindi niya man lang binati.

”Hello, sister Yuna” bati ng babae. Hindi niya ito sinagot dahil wala siya sa mood na patulan ang plastik nitong anyo na pinaglihi sa tabo na ginagamit sa banyo.

”Dad” sa halip ay bati niya kay Apolo.

”Hey Sister Yuna, Felix and I are here to get your acknowledgement for our wedding.” sabi nito sa maamong mukha na akala mo ay wala itong gagawing masama.

Hindi pa rin sumagot si Yuna. Why does she need to acknowledge their wedding anyway?

”Dad…”  tila maiiyak na usal ni Mari nang walang makuhang sagot mula sa kanya. Para bang sinasabi ng bruhilda na hindi niya pa rin matanggap na naghiwalay sila ni Felix.

'The nerve! '

Nakatitig naman si Felix sa kanya. May 13 months din kasi na hindi sila nagkita nito. Pero hindi niya tinapunan kahit isang sulyap man lang ang dalawa na para bang wala siyang nakikita doon kundi si Apolo lang.

”Yuna, your sister insist na personal kaming magpunta dito para lang imbitahan ka sa kasal. Why are you giving us an arrogant face?” halatang dismayado si Felix.

Bigla niya itong nilingon.

”Oh, I never thought you were here guys.” tila ba sinasabi niya na kahit pa nasa harapan ang dalawa ay wala siyang paki-alam.

”You…” halata nang nabu-bwisit si Felix sa attitude niya.

Kung gaano ito kainis kay Yuna, simple naman na natutuwa si Mari sa tabi nito na hindi nito pinahahalata.

”Come on Sister Yuna, pagpasensyahan mo na si Felix. Huwag kang magalit sa kanya. ako ang nakiusap na magpunta kami dito. We are sorry kung biglaan ang pagpapakasal namin. It's because… I'm pregnant” nahihiya na saad nito na akala mo ay malaking pagkakamali na pumatol ito kay Felix at sumapi dito si Maria Clara.

”To be honest Dad, kung gugustuhin ni Mari at ng Young Master ng Smith ang magpakasal, I don't think I need to agree or disagree. It's a decision between the couple, not mine.” gusto niyang ipakita sa mga ito na hindi siya interesado at wala siyang plano na kausapin ang dalawa.

”If that would be all, uuna na po ako. Marami pa akong kailangan na asikasuhin dito sa hotel”