Chapter 287 - Her last smile (1/2)

PAGKALIPAS NG TATLONG TAON…

”The President is back” pagbibigay-alam ng receptionist ng isang MGM Building Tower 2 habang hawak ng parehas na kamay nito ang telepono sa desk. Kausap nito si Assistant Xander sa telepono.

”Okay.” Ang tanging sagot ni Xander saka nito ibinaba ang telepono. Pinihit nito ang katawan saka hinarap ang batang apat na taong gulang na nakaupo sa itim, malapad at malambot na sofa.

”Khalid, the meeting was over. Your Dad is here.” Sabi nito sa batang may apat na taong gulang.

Tumingin lang si Khalid kay Assistant Drake saka nito binalik ang tingin sa nilalaro nito na 'Legendary Witch' game App sa isang eight inches na tablet.

His Mom really looks like Twilight Mary, that's why he likes to play this Game App. Kaarawan niya sa araw na iyon at nakatakda silang magpunta sa paborito niyang lugar, ang 'bahay' ng Mommy niya.

Ilang saglit pa, bumukas ang elevator sa opisina ng Presidente at iniluwa nito ang Daddy niya, si Cally na nakasunod ang tatlong sekretarya.

”Master.” Bungad dito ni Xander.

Dumeretso lang si Cally ng lakad patungo sa batang may apat na taong gulang na nakaupo sa malapad na sofa. Naiwan ang tatlong sekretarya malapit sa pintuan.

”Are you ready?”

Nanatili na tahimik si Khalid. Kilala naman siya bilang bata na kakaunti lang ang mga salita. Ayaw niya ng maraming daldal na katulad ni Angel..

”Your Angel is here” tudyo ni Cally. Bahagyang namula naman ang pisngi ng batang lalaki sa nadinig.

Sa Taiwan nakatira ang pamilya ni Kai pero taon-taon ay nasanay na sila na mag-celebrate ng kaarawan ng dalawang bata ng sabay, kaya madalas na nagpupunta ang mga ito sa Maynila.

Hindi lang si Kai at Bella ang nakakasama nila taon-taon, kahit ang mag-asawang Lorenz at Cassandra na wala pa ring anak hanggang sa ngayon at si Mat-mat at Donna na may anak na triplets na dalawang taong gulang, tatlong lalaki na makukulit.

Inangat ni Khalid ang paningin sa Daddy niya.

”To Mom” simpleng hiling niya para maiba ang usapan. Ang ibig niyang sabihin doon ay 'magpunta na sila sa bahay ng Mommy niya'. Everyone in the family is smart and he is not an exemption.