Chapter 260 - A sudden visit from Hans (2/2)

Paanong nakapunta sa Matsui Mansion ang mga ito nang hindi dumaan sa airport? At sa gan'on kabilis? Parang ilang oras pa lang silang nag-usap sa video call at naroon na ang mag-asawa?

Napapailing na lang siya. Hindi talaga matitiis ng kaibigan niya ang asawa nito. Alam niya kung paano mag-alala si Ginny sa kahit na sinong anak nito at hindi talaga ito matatahimik sa Pilipinas at maghihintay lang ng balita hanggang hindi nakikita si Cally.

Napabuntong hininga na lang siya.

”Pare, this is Cloud” narinig niya muli habang nagmumuni-muni. ”What is the situation out there?”

”*sigh* Hinahanap pa namin ang sasakyan ng Dark Guards pero may ipapadala ako sa base para masuri ni Matthew. Isang ch.i.p.s na sa tingin ko ay ang mismong bomba”

”our wives wants to go. What can I do?”

Gusto niyang matawa bigla sa tono nito. Iyon pala ang dahilan nito. Malamang ay nap-pressure na ang kaibigan niya sa pangungulit ng dalawang babae.

Napakamot si Rob sa ulo niya. Sa totoo lang ay nahirapan siya na kausapin si Ingrid bago siya umalis ng mansyon. Pinangakuan na lang niya ito na hahanapin niya si Prin.

”Boss, nakita ko na ang sasakyan ng Dark Guards. Wala dito sila Master Cally at Miss Prin o kahit na sino sa tatlong Dark Guards” sabi ng isa sa A team.

Nakahinga ng maluwag si Rob. ”Sige papunta na ko.”

Matapos sagutin ang isa sa A team, binalingan niya muli ang radyo para magbigay ng balita kay Cloud Han.

”Wala sila sa sumabog na van. Ikaw na ang bahala diyan. Bye!” mabilis siyang nagpaalam para tunguhin ang sasakyan ng Dark Guards.

Sigurado rin kasi siya na ang dalawang babae na ang susunod na mangungulit sa kanya. Kung hindi si Ingrid na asawa niya, ay si Ginny Lopez. Kaya mas mabuti pang patayin na lang niya ng radyo para hindi siya madamay sa pressure ng kaibigan.

=====

Nangangatog sa takot si Mat-mat habang nasa Matsui Mansion. Biglaan siyang pinatawag ni Cloud Han dahil kinailangan nito ang skyjet niya para mabilis na makapunta sa Matsui Villa.

Ang problema, nakatitig sa kanya si Bantay at hindi siya makakilos dahil sa takot sa mabagsik na leopard na ilang dipa lang ang layo sa kanya.

”Uncle Cloud! Pauwiin niyo na ako!” sa mga oras na iyon ay dapat namamanhikan na siya sa bahay nila Donna na biglang pina-cancel ng Tita Ginny niya.

Yung totoo? Kailan siya makakasal sa kanyang My loves?