Chapter 240 - Wedding day (1) (1/2)

Halos sabay-sabay at sunud-sunod na nagsipagbabaan sa restaurant ang grupo ni Cally para mag-almusal.

Nasa isang bilog na table lang silang lahat tulad ng mga nakaraan para sabay-sabay na mag-almusal at mag-bonding kasama ang mga kaibigan nila.

”May plano nga pala kami ni My Loves na umuwi sa Pilipinas ngayong araw. Kung may kailangan ka sa 'kin, email mo na lang ako. Tapos na rin naman ang trabaho namin dito” sabi ni Mat-mat kay Cally.

”Sa Pilipinas ang punta mo? Hindi ka babalik sa US?” pagtataka ni Christen na nasa tabi lang din nito.

”Nah. May plano na akong hingin ang kamay ni Donna sa magulang niya.” pagyayabang nito.

”Wow Congratulations Donna!” bati muli sa kung kani-kanino sa kanila.

”Salamat!” ang tanging naging sagot nito. Kilala si Donna sa mga tipid nitong sagot. Hindi rin masyadong nakiki-halubilo sa lahat ang dalaga.

”Sigurado ka Donna?” tanong mula kay Kai.

Pinukulan ni Mat-mat ng masamang tingin ang asawa ni Bella. ”Kai Jang, may problema ka ba sa akin?”

”Wala naman, naninigurado lang” nakangisi na sagot nito.

Tulad ng dati hindi pinansin ni Cally ang asaran ng dalawa, sanay na sila sa mga ito. ”May plano kami na pumunta sa Japan para i-meet si Uncle Rob at ang Mommy ni Prin.” sabi ni Cally.

Alam ng lahat na parte sa meeting na 'yon ang usapan sa Hantataiga at kay Captain Yeo.

”I'll stay here. Ngayon ang kasal namin ni Sandra sa mairie.” pagbibigay-alam naman ni Lorenz.

Halatang nabigla ang lahat sa sinabi nito bukod kay Cally. Gusto ni Lorenz na gamitin ang pagkakataon na maikasal muna sila ni Cassandra bago siya sumabak muli sa laban.

”Y-y-you! Bakit naunahan mo pa ako?!” nanlalaki ang mata ni Mat-mat.

”Anong problema d'on? Nauna akong magpropose kay Sandra.” sagot ng Shogun.

”Matty, bago ka magreklamo pwedeng bigyan mo muna ng singsing si Donna.” puna naman ni Prin.

”Wala ka pa ngang binibigay na singsing sa kaibigan namin, nagrereklamo ka pa?”

”Eh ikaw ba?” ganti ni Mat-mat kay Lorenz.

Inangat lang ni Lorenz ang kamay ng nobya nito para ipakita na may engagement ring ang dalaga.

Nag-ikot sila ni Sandra sa city nang nagdaang araw para bumili ng wedding ring na gagamitin sa araw na iyon at nagkataon na nagustuhan na rin niya ang engagement ring sa isang stall habang nagpaalam ang dalaga na pupunta sa palikuran. He gave it to her last night as a surprise when they make love.

Hindi nakasagot si Mat-mat sa atake na 'yon kaya nanahimik na lang ito. Somehow, he is guilty na wala pa siyang binibigay kay Donna.