Chapter 231 - Unexpected visitor (1/2)
Sa suite nila ni Cally. Nagrequest si Prin ng gatas sa hotel at inabot niya sa asawa, alam niyang tense na ang asawa niya sa nangyayari.
Gusto niya tuloy balikan 'yung nakaraan na wala silang problemang dalawa. Nasa Pilipinas at naghahanap lang ng adventure. Nang mga panahon na nasa kanila ang lahat ng pabor.
Nasa loob ng kwarto si Khalid at natutulog.
”Husbie…” matapos na maiabot ang gatas dito ay tinabihan niya ito.
Kinuha ni Cally ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para mahalikan.
”Everything will be alright” pakunswelo niya dito. Alam niyang mabigat ang mga napag-usapan nila sa suite nila Bella at alam niyang bumigat lalo ang pakiramdam ni Cally.
”Hindi ko lang matanggap ang mga nagaganap. Kapag may nangyaring masama sa iyo, sigurado na hindi ko mapapatawad ang sarili ko.” ramdam niya ang sakit sa dibdib ni Cally habang sinasabi ang lahat ng iyon.
Sinayang din kasi ni Cally ang ilang buwan na dapat ay ligtas na si Prin. Hindi niya maiwasan na mag-alala lalo at ilang taon silang nagkawalay ni Prin at ayaw na niyang maulit pa iyon.
”Everything will be fine, Husbie”
=====
Nangangatog sa lamig ang mga tao sa barko ng Maria Celeste 1. Kasalukuyan silang nasa Sea of Okhotsk na nasa area of responsibility ng Russia.
Nagsisipaglalaglagan ang puting snow sa barko kaya para silang pinulbusan ng kalangitan. Negative 3 ang kasalukuyang temperatura sa lugar.
*ting ting ting* tunog ng bell na ibig sabihin ay malapit na silang umalis sa port para tumungo naman sa Sapporo, Japan.
Sa kwarto ni Captain Yeo ay nagrereport si Casper. Ngunit wala dito ang atensyon ng kapitan. Kasalukuyan itong naglalaro ng stress ball at tumutunog-tunog ang bagay na iyon habang nagsasalita ang huli. Naiisip nito si Prin Matsui na ilang buwan na nanatili sa isipan niya.
”Kapitan?” tawag ng binata kay Captain Yeo.
Inangat ni Captain Yeo ang paningin. ”May sinabi ka?”
Bago pa makapagsalita si Casper ay isang malalakas na katok ang narinig niya mula sa pintuan. Uminit agad ang ulo ni Captain Yeo dahil nasira ang napakaganda niyang mood dahil sa katok.
”Tuloy!” si Casper ang sumagot.
Bumukas agad ang pintuan at pumasok ang isang tauhan ng barko.
”K-Kapitan! May nangyari. K-kailangan niyong lumabas! B-bago umalis ang barko, m-may nangyari.” utal-utal na sabi ng bagong pasok.