Chapter 219 - Out of place (1/2)

Pagkalipas ng isang oras, katulad ng usapan ay nagkita-kita sila sa restaurant na pinareserba ni Prin sa hotel.

Magkasabay sila na bumaba ni Cally na bitbit ang anak niya.

Naroon na si Cassandra at Lorenz na magkahawak-kamay at matiyagang naghihintay sa kanila.

Tumayo si Cassandra para yakapin ang kaibigan. Napaluha si Prin dahil naka-alala na ang kaibigan niya at masaya siya doon.

”I miss you my friend, I'm really sorry…” sabi nito habang mahigpit ang yakap nila sa isa't-isa.

”Kailan pa nakabalik ang alaala mo?” usisa niya dito.

”Nang nakaraang buwan lang.” ngumiti ito ng mapait. Tumango-tango si Prin at inikot ang paningin sa buong kwarto.

”I'm happy.” sabi niya dito. Mahaba-haba ang pag-uusapan nila ng kaibigan kasabay ng dalawang doctor na nasa loob ng kwarto.

Naroon na sa kwarto si Christen at si Doc Mikko pati na rin si Donna na tahimik na umiinom ng red wine sa isang tabi.

Isang buong bilog na table 'yun na nasa loob ng kwarto na sampuan. Lumapit siya kay Donna para kumustahin naman ito. Hindi niya alam kung gaano nito kaayaw o kagusto na makita si Mat-mat. Pero hindi niya kasi alam na pupunta ang binata at ang dalawang doktor para pilitin ang asawa niya.

”Donna…” tinabihan niya ito. Lumingon ang dalaga saka ngumiti ng simple.

Hindi alam ni Prin kung paano sisimulan na sabihin na naroon din sa lugar na iyon ang ex-boyfriend nito.

”Ahh eh…” napakamot siya sa ulo.

”Are you going to tell me that Matthew is here?” sabi nito.

Kagat-labi na tumango si Prin. ”Yes. I don't know--”

”Hello guys!” masayang bati ni Mat-mat na bagong pasok. Kasunod nito ang mag-asawang Kai at Bella.

Sabay silang napalingon sa pintuan. Napansin ni Prin na biglang natahimik din ang binata matapos magtagpo ng mata nito at ni Donna.

”I'm really sorry, Donna.” paghingi niya muli ng paumanhin kahit pa hindi niya alam kung ano ang talagang history ng dalawa.

Tumayo na siya para tabihan si Cally. Magkakatabi ang magkakapareha na si Cally at Prin, Kai at Bella, Lorenz at Cassandra, Christen at Doc Mikko kaya walang nagawa si Donna na itabi Kay Mat-mat dahil nasa isang bilog na mesa lang silang lahat.

Dahil kumpleto na ng lahat, sinimulan ni Christen magpaliwanag.

”Narito kami ni Doc Mikko hindi lang para makiisa sa birthday ng pamangkin ko na si Khalid at Angel, kundi para pilitin na rin si Cally na isagawa ang operasyon kay Prin.”