Chapter 155 - The boys knew how to protect their woman (1/2)
Bumalik ang lalaking naka-white suit sa yate kung saan naroon ang lalaking may ginintuang buhok. Iika-ika itong naglakad patungo sa cabin ng master niya.
”Master, I failed tonight!”
Isang suntok sa pisngi ang ibinigay dito ng lalaking may ginintuang buhok. ”Let's go back to UK.”
”I want to personally see Lorenz ” sabi nito.
=====
Pagod na pagod ang lahat matapos ang gabi na iyon. Namatay si Hitomi dahil binali ni Rob ang leeg ng babae. Makakahinga na rin ito ng maluwag na wala nang iikot pa na droga sa MGM o kahit na sa White Devil.
Nang gabi na iyon matapos ang lahat, dumeretso ang Daddy ni Prin sa Australia para puntahan ang Mommy niya.
Nang makauwi sa bahay, doon lang nakaramdam ng pagod si Prin. Matapos niyang makapag-shower, tinawag siya ni Cally para gamutin ang pasa at mga sugat niya sa katawan.
Halata ang disgusto sa mukha nito nang makita ang mga marka ng patalim sa binti niya at pasa sa braso.
”Sa susunod, hindi ka na sasama sa misyon.” sabi nito habang ginagamot ang mga sugat niya.
Napapangiwi naman si Prin. Sa ilang taon at sa dami ng beses na nakipagdigmaan siya kung kani-kanino, laging ang mga sugat o marka ang hindi niya gusto kaya nga pinag-aralan niya ang mga halamang gamot na pwedeng gamitin katulad sa panahon na iyon. Ramdam niya ang hapdi na naiwan ng mga daplis ng patalim sa katawan.
”Kung pinasuot niyo lang sana ako ng Dark suit e'di sana wala akong masyadong galos ngayon!”
Hindi sumagot si Cally. Bigla na lang siyang napangiwi habang pinapahiran nito ng speacial ointment ang pasa niya. Espesyal na ginawa ang ointment na iyon sa Japan para sa lahat ng Dark Guard.
”Kamusta ang kapatid ni Bella?” naisip niyang itanong matapos ang mahabang katahimikan.
Napakislot si Prin dahil pinahiran ni Cally ng gamot ang guhit na sugat binti niya gawa ng patalim. ”Okay naman siya, pinahatid na siya kay Cobra sa bahay.”
”Ano nga pala ang mangyayari kay Kai? Bukod sa hindi siya sumunod sa tamang oras kung kailan susugod kanina, iniwan din niya ang post bilang leader.”
”I understand him.” komento ni Cally.
”Though, kailangan talaga siyang parusahan bilang Dark Guard dahil may mga sinuway siya sa sinumpaan natin, I understand him kung bakit niya ginawa iyon.” sabi ni Cally.
”He loves Bella so much” komento ni Prin. Bumalik sa ala-ala ni Prin ang eksena noong nakita nito ang kaibigan niya na hila-hila ng isang maid para ipakita sa parokyano. She saw hatred in his eyes looking at Bella and the crowd at tiim ang bagang na inakyat nito ang nobya sa stage para protektahan.
”If I am Bella, will you do the same thing?”