Chapter 137 - Mystery in Ladies Comfort Room (2) (1/2)
Unang beses na makita ni Jopay si Cally. Napakagat siya sa labi, wala siyang ideya sa kung ano ang talagang itsura ng Presidente pero ramdam niya na ang lalaking malakas ang dating na nauuna sa pagkilos ang Master Cally nila.
Isa pa, may hawig ito sa chairman.
Kinakabahan siya na yumuko. ”M-m-master” uutal-utal na bati niya.
Seryoso lang ang mukha ni Cally at wala siyang makitang emosyon sa lalaki.
Binuhusan ni Zuki ng tubig ang lalaking naka-cap sa mukha dahilan para magising ito. Bumalikwas ito ng bangon. Pilit man na tumayo ang lalaki tinapakan na ito ni Rob sa dibdib saka tiningnan ng pailalim.
”Who are you?” tanong ni Rob sa lalaki.
Umangil agad ito.
”I won't tell you.” saka ngumisi.
Hindi na nagdalawang isip si Rob na tapakan sa mukha ang lalaki ng may pag-gigil.
”Ahhhhh!!!” Sumigaw ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Rob. Umangil ito ng paungol. Abot-abot ang takot ni Jopay sa gilid dahil sa nasaksihan. Nagsimula na itong umiyak.
Binaba ni Rob ang sariling katawan para pantayan ang mukha ng lalaking naka-sumbrero. Nag-aapoy ang mata nito na tila kayang patayin ang lalaki ano mang oras.
”Inuulit ko, Sino ka?”
Nagkikiskis ang mga ngipin ng lalaki dahil sa sobrang galit kay Rob.
Umismid si Rob ”The truth is, hindi ko naman kailangan na hingin ang sagot mula sa iyo. Kaya kong alamin kung sino ka sa mas mabilis na paraan pero mukhang mag-eenjoy ako na paglaruan ka muna.” sabi nito sa nakakademonyong boses.
Napalunok ang lalaki. Pero halata na hindi pa rin ito magsasalita.
”Ikaw!” binalingan nito si Jopay.
”Hu-huwag niyo po akong saktan” nakikiusap na sabi ng babae.
”Dad, Calm down, kami na ang bahala ni Cally sa kanya.” hinawakan ni Prin ang daddy niya at pinakalma. Nakahalukipkip lang ito na nag-indian sit sa pinakasulok.
”You!” tawag ni Cally dahilan para mapatuwid ng tayo ang babae.
”I want to know kung kailan ka pa nagsimulang magbenta ng droga sa opisina.” seryoso na sabi ni Cally sa babae.