Chapter 81 - Chasing Shi Cally (1/2)

Lumabas agad si Prin para hanapin si Cally. Hindi tulad sa mansion nila sa Japan, mas malawak at mas ma-tao ang Maynila. Bukod pa sa maraming kalye at eskenita.

Kapag nawala ito sa paningin niya, siguradong lagot na!

Nang makalabas si Prin, natanaw niya si Cally na paliko na sa kabilang kanto. Nilingon niya ang guards sa tabi.

”Guys, this is red alert! Tawagan niyo si Zico or Zuki, we need to find your Shi Cally. You and you, doon kayo sa kabila umikot. Dito ako.” Sabi niya sa dalawang tauhan ng White Devil.

Tumakbo si Prin sa tinungo ni Cally. Tinawagan niya ulit si Kai dahil siguradong hindi pa nakakalayo ang dalawa. ”MB5, I need your help! Tumakbo si Shi Cally palayo sa White Devil. Please go to Antonio Flores St. Papuntang Bocobo. Dito ako sa Del Pilar.” Plano ni Prin na ma-corner si Cally.

Sa kasamaang palad, hindi niya makita si Cally.

'Sh*t!' Napamura si Prin. Dineretso lang niya ang kalye. Inikot niya na pati ang ibang kalye, hindi niya pa rin makita ang anino ni Cally. Nakaramdam na ng pagod si Prin.

Matapos ang tatlumpung minuto kahahanap sa asawa niya, tumawag si Kai.

”Nakita namin siya Prin, paliko ng Arquiza St. Hindi nga lang ako makaikot dahil one way ang kalye dito.” Sabi ni Kai sa kabilang linya.

Binilisan ni Prin ang pagtakbo para makapunta sa likuan ng Arquiza St. tulad ng sabi ni Kai. Pagliko niya, nakita niya si Cally sa di-kalayuan. Na-corner na ito ng dalawang guard ng White Devil sa kabilang dulo ng kalye.

Makaka-hinga na sana siya ng maayos nang mapansin na ginugulpi na ni Cally ang dalawang guard. Sigurado si Prin na hindi lalaban dito ang dalawa. Kaya mas binilisan niya na mapuntahan ito. No! Kapag na-ospital ang dalawang guard, lagot na!

Binilisan niya ang pagtakbo kahit nakaramdan na siya ng pagod.

”You two, I'm not done with you yet” sabi nito at akmang susuntukin na naman sa sikmura ang dalawa.

”Husbie! Stop! Stop!” sigaw niya.

Nilingon siya ni Cally. Parang mahihilo na si Prin. Nakaramdam siya ng pagsusuka kaya gumilid siya sa eskenita kung saan sila naroon. Saka niya inilabas ang sama ng pakiramdam. Naalala niya na madami nga pala siyang nakain na chicken wings tapos diretso agad ang walang sawang pagtakbo. Idagdag pa na ilang linggo na siyang walang exercise.

Natigil naman si Cally at nilapitan siya nito, kapwa sila pinagpapawisan dahil sa haba ng tinakbo nila parehas. Halata na nag-aalala ito sa kanya.

”Baby Panda, are you okay?” Tanong nito.

”I'm not okay… my stomach hurts. It's all your fault!” sagot ni Prin.

”Why is it my fault? Ikaw ang kanina pa nawawala, hinahanap kita sa kung saan-saan.”

Prin ”....”

Ayaw nang makipagtalo pa ni Prin kay Cally. Sigurado na wala sa tamang huwisyo ang asawa niya.

”Husbie, Let's go home” sabi niya dito. Nag-aalala naman ang tingin niya sa dalawang guards na kapwa maiiyak ang mga hitsura.