Chapter 79 - Be responsible as a girlfriend (1/2)
Pahiya na lumabas si Janice at Luna ng Bar.
Luna is gritting her teeth. Hindi niya alam kung ano ang talagang background ni Prin, para na rin siyang lumaban sa giyera nang hindi inaalam kung sino ang kalaban.
Nang makalabas, nakita niya si Cally na nakasandal sa pintuan ng sasakyan nito. Sandali niyang nakalimutan ang nangyari sa loob. Maging si Janice ay saglit na natulala kay Cally.
Nang makita ni Cally si Luna, nakaramdam agad siya ng pagka-alibadbad. Nag-alala siya na baka may ginawa ang babae sa asawa niya.
Naglakad siya at nilagpasan ang dalawang babae para makapasok sa loob ng Bar at sundan si Prin sa loob.
Hindi pa alam ni Prin ang tungkol sa pambibintang ni Luna sa kanya na minolestya niya ito. Parang hangin lang ang dalawang babae na tulala sa paningin niya nang lagpasan niya ang mga ito.
”He is Cally. The one I was told you about.” sabi ni Luna sa kaibigan.
”What?! That is the one who molested you?” takang tanong ni Janice.
”Y-yes”
Nagdududa ang tingin ni Janice kay Luna. Dinaanan nga lang sila ng lalaki na parang hindi sila nito nakita. Halata rin dito na hindi interesado kay Luna. Tiningnan nito ng kaduda-duda ang kaibigan.
Samantala, sa loob ng bar, nakita ni Zico si Cally na bagong pasok.
”Shi!” bati nito kay Cally.
”Did something happened here?”
”Yung dalawang babae, gumawa ng eksena at pinapaalis sa amin si Prin.” Sabi ng iiling-iling.
Umismid agad si Cally. Tama ang hula niya na may ginawa si Luna kay Prin. Ano kaya ang pakiramdam nito kapag naubos ang kayamanan ng mga Villanueva? Tutal naman ay madalas nitong ipagyabang na anak ito ng Mayor at mayaman sa siyudad. Hihintayin niya lang ang aksyon ng mag-ama bago nila ilabas ang kanyang Ace card.
Naputol siya sa naiisip nang lapitan siya ni Prin.
”Husbie, I'm done.”
Cally looked at her with adoration in his eyes. Natutuwa si Zico na makita na maayos ang samahan ng dalawa.
”Shi, baka gusto niyo na uminom muna.” Paanyaya ni Zico.
Nagliwanag ang mata ni Prin sa nadinig.
”Yeah! Let's drink! Sige na please.” Pakiusap ni Prin habang hawak ang isang braso ni Cally at hinahatak 'yun upang makiusap.
Naisip ni Cally na ihahatid sa kanila ang kambal kinabukasan kaya gugulo ang tahimik na mundo nila ni Prin sa bahay. Tutal naman ay kapwa sila walang pasok kinabukasan kaya siya pumayag.
”Okay…”
”Papupuntahin ko si Leader Kai, saka si Bella.” masayang sabi ni Prin saka mabilis na nagtipa sa cellphone.
Kumunot ang noo ni Cally. Akala pa naman niya ay silang dalawa lang. Kapag dumating ang kaibigan nito, sigurado na sa kaibigan na nito ang buong atensyon nito. Agad siyang nagprotesta.
”Huwag mo na silang papuntahin dahil uuwi na lang pala tayo.”